ALAMIN: Ilang kondisyon, sakit na dulot ng mga bulate sa tiyan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ilang kondisyon, sakit na dulot ng mga bulate sa tiyan
ABS-CBN News
Published Jun 18, 2019 04:28 PM PHT
|
Updated Jun 18, 2019 04:51 PM PHT

Posibleng magdulot ng mga malubhang kondisyon at sakit ang pagkakaroon ng mga bulate sa tiyan, ayon sa isang eksperto.

Ayon sa pediatric infectious disease specialist na si Dr. Nancy Bermal, ang mga tao, lalo ang mga bata, na may bulate sa tiyan ay maaaring magkaroon ng malnutrisyon.

"'Pag may bulate, lalo na maraming bulate, so ano nangyayari? This can lead to malnutrition. 'Di ba nakakita na kayo ng mga batang ang payat pero ang laki ng tiyan? So mga malnourished, puwedeng may mga bulate iyon," ani Bermal sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Puwede rin daw magdulot ang mga bulate sa tiyan ng anemia o ang kakulangan sa dugo na nagdudulot ng panghihina.
Puwede rin daw magdulot ang mga bulate sa tiyan ng anemia o ang kakulangan sa dugo na nagdudulot ng panghihina.
ADVERTISEMENT
Napipigilan din ng mga bulate ang pagtangkad ng mga bata dahil sila ang kumukuha ng mga nutrisyon sa katawan ng bata, ani Bermal.

Kapag sobra-sobra umano ang bulate sa tiyan, maaari itong mauwi sa intestinal obstruction o iyong pagbabara sa bituka.

"Mayroon palang bola ng bulate na nakabara sa tiyan. Kailangang operahan iyon," anang doktora.

"At madami iyon. Minsan 10, 20 na mga bulate na nandoon sa bituka ng isang bata," dagdag niya.

Puwede rin, ani Bermal, kumalat sa ibang bahagi ng katawan ang mga bulate at doon makapaminsala.
Puwede rin, ani Bermal, kumalat sa ibang bahagi ng katawan ang mga bulate at doon makapaminsala.
ADVERTISEMENT
Kapag, halimbawa, napunta sa utak ang mga bulate ay maaari silang magdulot ng meningitis o kapag sa baga ay maaaring magdulot ng pulmonya, sabi ng doktora.

Ilan sa mga sintomas umano ng pagkakaroon ng mga bulate sa tiyan ay ang pagsakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, at pagkakaroon ng dugo sa dumi.

PARAAN NG PAGPASOK NG BULATE SA KATAWAN
Ayon kay Bermal, nakapapasok ang mga bulate sa katawan ng bata kapag sila ay kumakain nang marumi ang mga kamay.

"Lalo na kung very active kids na maglalaro sa mga lupa and then 'di maghuhugas ng kamay, mahahaba 'yong kuko. So 'yong itlog ng bulate nandoon 'yan sa mga gilid-gilid ng daliri, ng kuko, ng kamay," ani Bermal.

May mga maliliit na klase naman daw ng mga bulateng nakapapasok sa katawan sa pamamagitan ng pagsuot nila sa mga paa ng mga batang nakaapak.

Nakukuha rin daw ang mga bulate sa pagkain ng mga prutas at gulay na hindi nahuhugasan nang tama.

Bunsod nito, binigyang diin ni Bermal ang hygiene, o pagiging malinis sa katawan at pagkain, bilang pinakamabisang paraan ng pag-iwas sa pagkakaroon ng mga bulate sa bituka.

"Hygiene pa rin talaga 'yong kailangan nating maituro kasi kung hindi natin maibigay 'yan, maituro, at risk talaga lahat ng Filipinos sa bulate," aniya.