Mga pelikulang indie, tampok sa piling sinehan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pelikulang indie, tampok sa piling sinehan

ABS-CBN News
Published Jun 21, 2017 05:23 PM PHT
|
Updated Jun 21, 2017 06:30 PM PHT

MANILA - Magpapalabas ng mga piling independent films ang ilang mga sinehan ng SM Cinemas bilang bahagi ng programa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ayon kay FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, bahagi ito ng kanilang proyektong Cine Lokal, kung saan magpapalabas ng mga independent films sa walong sinehan ng SM sa buong bansa.

"It's a partnership with SM Cinema to give us eight cinemas all over the Philippines to exclusively screen curated independent films," aniya.

Dagdag din ni Diño, isa itong magandang oportunidad para sa mga film maker na mapanood ng mas maraming tao ang kanilang mga obra.

"Itong platform na'to ay binibigay namin sa mga film makers para mas magkaroon sila ng opportunity para ma-market ang pelikula, mas mapanood ng maraming audience, at ma-recoup naman nila 'yung investment nila," aniya.

Isang independent film ang ipapalabas sa lahat ng walong sinehan sa loob ng isang linggo. Bawat linggo ay may bagong pelikulang ipapalabas.

Tatagal ng tatlong taon ang programang ito ng FDCP at SM Cinemas.

Ayon kay Diño, bibigyan rin ng kaukulang promotion ang mga pelikulang ipapalabas bilang bahagi ng Cine Lokal.

"On our end, meron kaming Cine Lokal Programming Division, na mismong nag-aalaga ng mga promotions nila. At the same time, we have the commitment of SM to give us all the promotional materials," aniya.

Bukod sa Cine Lokal, magkakaroon ng Pista ng Pelikulang Pilipino sa darating na Agosto, kung saan ipapalabas ang mga lokal na pelikula sa buong bansa.

"Ang Pista ng Pelikulang Pilipino is a project in line with the Buwan ng Wika. It's a week-long nationwide celebration ng Buwan ng Wika. One week, all Filipino films on all cinemas nationwide," ani Diño.

Ang Pista ng Pelikulang Pilipino ay gaganapin sa ika-16 hanggang 22 ng Agosto, kasabay ng selebrasyon ng Linggo ng Wika.