Higit 1 toneladang mga bangus, inihaw sa selebrasyon sa Dapitan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 1 toneladang mga bangus, inihaw sa selebrasyon sa Dapitan

ABS-CBN News

Clipboard

Inihaw ang higit isang toneladang mga bangus sa Dapitan City. Larawan mula kay Dynah Diestro
Inihaw ang higit isang toneladang mga bangus sa Dapitan City. Larawan mula kay Dynah Diestro

Sa kahabaan ng daan ng Sunset Boulevard sa Dapitan City, Zamboanga del Norte, masayang nag-iihaw ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng sariwa at malalaking isdang bangus.

Huli ang mga ito mula sa fish cages ng lungsod na pag-aari ng iba’t ibang mga fish cage operators na ngayo’y nasa 85 na.

Nasa 1.4 toneladang bangus ang inihaw ng mga empleyado sa pagdiriwang ng ika-59 na Charter Day ng lungsod kung saan kasabay nilang idinaos ang Bangus Festival.

Nakisaya ang dayuhan mula America na si Kenneth John Dabbracio na namangha sa nakitang masayang pag-iihaw ng bangus.

ADVERTISEMENT

Masayang pinagsaluhan ng mga empleyado kasama ng ilang dumalong residente at bisita ang mga inihaw na bangus sa isang boodle fight lalo’t 2 taon ding hindi naidaos ang ganitong kasiyahan dahil sa pandemya.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), palago nang palago ang industriya ng bangus sa Dapitan na ngayo’y nakapagbibigay ng trabaho sa mga residente.

“Dapitan is very conducive for bangus farming both in the fishpond including the mariculture. As a matter of fact, last year, base sa data natin, Dapitan alone [was] able to ship out about 600,000 kilos of bangus —marketable sizes of bangus going to Cebu, Negros, all over Mindanao," sabi ni Isidro Velayo, regional director ng BFAR-IX.

Sa buong Zamboanga Peninsula, Dapitan ang may pinakamaraming produksyon ng bangus. Hinihikayat ng BFAR na matulungan ito para mas mapalago pa ang produksyon ng bangus upang makatulong na maibsan ang pag-aangkat ng isda mula sa ibang bansa.

—ulat ni Dynah Diestro

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.