Tabo o 'tabeaux'? Netizens nag-react sa mamahaling 'bath dipper' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tabo o 'tabeaux'? Netizens nag-react sa mamahaling 'bath dipper'

Tabo o 'tabeaux'? Netizens nag-react sa mamahaling 'bath dipper'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 25, 2019 05:48 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Handa ka bang bumili ng P365 na "bath dipper"?

Nag-viral sa social media ang Facebook post ng isang Japanese store nang ibenta nila ang hindi pangkaraniwang tabo.

Ayon sa kompanya sa likod nito, mas madaling sumalok ng tubig gamit ang naturang tabo dahil sa disenyo nito.

Naging sentro ito ng usapan sa Facebook at Twitter, kung saan tanong ng netizens kung kaya ba nitong gawing wine ang tubig, may kasama ba itong heater, o may kasama ba itong Wi-Fi, o kaya ba nitong baguhin ang buhay ng bibili nito.

ADVERTISEMENT

Patok din sa ilang netizens ang pagtawag sa tabo na "bath dipper," na pabiro pa nilang tinawag mala-French na "tabeaux."

Sinabayan naman ito ng isa pang Pinoy plastic brand, na gumawa ng mala-spoof na bersyon ng ibinebenta nitong tabo.

Sa halagang P365, ibenebenta nito ang puting tabo na may libreng P330.25 sa loob dahil P34.75 lang aniya ang presyo ng ordinaryong tabo.

Ikinatuwa ng netizens ang sagot na ito ng naturang kompanya, habang ipinakita naman ng iba sa comments section na napabili sila ng tabo sa tuwa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.