Kilalanin: Unang Aeta na nagtapos sa UP-Manila

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kilalanin: Unang Aeta na nagtapos sa UP-Manila

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 26, 2017 09:56 PM PHT

Clipboard

Gumawa ng kasaysayan ang isang Aeta sa pag-akyat sa entablado bilang kauna-unahan sa kanyang tribu na nakapagtapos sa University of the Philippines-Manila. Samantala, lubos namang ipinagmamalaki ng janitress ang kanyang anak na nagtapos bilang cum laude at gustong maging scientist.

Ipinagmamalaki ng kanyang pamilya at kapwa katutubo ang kauna-unahang Aeta na nakapagtapos sa UP-Manila.

Gumawa ng kasaysayan si Norman King sa pag-akyat sa entablado nang naka-tradisyonal na bahag bilang kauna-unahang Aeta na nakapagtapos sa nasabing unibersidad.

Sa pagtanggap ng kanyang diploma, isinama ni King ang kaniyang lolo, lola, at kaniyang ina.

ADVERTISEMENT

“Hindi lang ako ang umakyat du'n, parang kami nang lahat ng mga kapwa ko katutubo ang nag-represent du'n,” ani King.

Iskolar si King sa kursong Bachelor of Arts, Major in Behavioral Sciences. Hindi umano naging madali ang kaniyang pag-aaral.

Kuwento ni King, “Maraming adjustments, di ko kinakahiya na madalas ako bumagsak noon sa Math.”

Bukod sa kanyang kurso, nangingibabaw din siya sa hilig sa photography kung saan kilala siya sa tawag na Isagani Malaya.

Mapapansin sa ilan sa kanyang mga obra ang kultura at kalikasan.
Nilalagyan niya ito ng watermark kung saan nakasulat ang baybayin na nangangahulugang ‘malaya’.

ADVERTISEMENT

Hindi naman maipaliwanag ng inang si Warlita King ang saya na naramdaman sa pagtatapos na kanyang anak. Ipinagmamalaki rin ito ng lolo niya.

“Kahit saang lupalop ng mundo, siya ang kauna-unahang Aeta na gumradweyt sa UP [Manikla],” pahayag ni Tomas King, lolo ni Norman.

Nais umanong ibahagi ni Norman ang natamasang tagumpay sa mga kapwa katutubo.

“Ang una kong gagawin, mag-focus ako to help ‘yung community ko. Maybe gagawa ng isang book about history ng mga Aeta kasi wala mang documented,” aniya.

Wala rin siyang balak na mangibang-bansa at sa kasalukuyan, prayoridad niya ang tulungan ang kanyang pamilya, at magsilbing inspirasyon sa mga kabataang katutubong Aeta.

ADVERTISEMENT

Anak ng janitress, gustong mag-scientist

Itinaguyod ni Glenda Tac-an at ng kanyang mister na isang construction worker ang pag-aaral ng kanilang dalawang anak sa kabila ng kahirapan.

Kuwento ng inang si Glenda, kinder pa lamang ang panganay na anak na si Carlo, pangarap na niyang maging isang scientist.

Sa una, nag-alinlangan si Tac-an na baka hindi nila kakayanin ang pangarap ng kanyang anak na maging isang scientist. Pero sa bandang huli umano, hinayaan na lang nila si Carlo sa kanyang gusto.

Kumuha si Carlo ng kursong Bachelor of Science in Chemistry sa paniniwalang magiging scientist din siya balang araw.

Bagama't nakaramdam nang minsang pag-aalinlangan sa napiling kurso, pinagsikapan pa rin ni Carlo na matupad ang kanyang 'childhood dream' na maging isang scientist.

ADVERTISEMENT

Unang taon pa lang niya sa college, nais na niyang tumulong at mag-ambag sa bayan sa kahit na anong paraang makakaya niya.

Hindi naging madali ang kanyang pag-aaral dahil na rin sa kahirapan pero imbes na panghinaan ng loob, dito siya humugot ng inspirasyon para mapabuti ang kanilang buhay.

"Napakalaking factor din po [ang kahirapan] kasi inisip ko po na kung ganito lang ako at hindi ako magsisikap, paano na iyung mga next generation na kasunod ko? Baka mamaya maulit na lang ito nang maulit," aniya.

"Naisip ko, pwede namang dito na sa akin magtapos [ang kahirapan] at mapaunlad ko, hindi lang ang pamilya ko, pero pati ang extended family ko."

Inaalay niya ang bawat pangarap at pagsisikap sa kanyang mga magulang na lubos ang suporta at pagmamahal sa kanya.

ADVERTISEMENT

"Sa mga times na nararamdaman kong sumusuko na ako, sila [mga magulang] lang po talaga ang iniisip ko. Para sa kanila po ito," ani Carlo.

Aniya, malaking tulong din ang scholarship na handog ng Commission on Higher Education na siyang sumuporta sa kanyang tuition fee hanggang makapagtapos siya sa kolehiyo.

"Iyung mga gastusin po, pinagtulong-tulungan po namin. Nagtipid po talaga ako hanggang sa makakaya namin," sabi ni Carlo.

Ngayong tapos na sa pag-aaral, nais naman ni Carlo na makapag-ambag sa mga siyentipikong publikasyon at maiangat ang antas ng chemistry sa bansa.

"Kung may appreciation sa Science, hindi lang sa chemistry, mas makakapag-isip sila kung paano mapaunlad ang daloy ng pamumuhay natin."

ADVERTISEMENT

Payo ni Carlo sa mga kapwa mag-aaral, "Patuloy lang pong magpursige at huwag sumuko. Laging isipin kung ano ang gusto nilang gawin at isipin nila ang pamilya nila at siyempre ang bayan natin."

Sa ngayon, naghahanda na si Carlo sa nalalapit na board exam sa Oktubre para maging ganap na chemist.

"Wala pong kapantay ang nararamdaman kong tuwa sa anak ko," ani Tac-an.

"Hangga't kaya nating ibigay sa anak natin, gagawin natin kasi napakalaking bagay po sa pamilya iyung may makatapos po," aniya.

--May ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.