RECIPE: Sweet and sour pork | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Sweet and sour pork

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nais mo bang makapaghain ng bagong ulam para sa iyong anak sa murang halaga?

Maaari mong subukan ang magluto ng sweet and sour pork na siguradong swak sa budget.

Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" nitong Martes ang guest kusinera na si Chef Rina Viviezca upang ibahagi ang pagluluto ng nasabing putahe.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 1/4 na pigue ng baboy na hiniwa nang manipis
• Asin
• Paminta
• 1 piraso ng kalamansi (optional)
• 1 itlog
• 5 kutsara ng harina
• Atsuete
• 1/4 carrots na hiniwa nang maninipis
• Sibuyas
• 100 gramo ng pinya na nakalata
• 1 maliit na bell pepper
• 1 tasa ng tubig
• 1/4 suka
• 3 kutsara ng asukal
• 1 kutsara ng cornstarch

ADVERTISEMENT

Narito ang paraan ng pagluluto:

I-marinate ang karne ng baboy sa asin, paminta, at kalamansi sa loob ng 5 minuto.

Isawaw sa itlog at harina tsaka iprito.

Para sa paggawa ng sauce:

Maglagay ng 3 kutsara ng asukal sa kawaling may tubig.

Ihalo ang atsuete, carrots, sibuyas, pinya, at bell pepper.

Ilagay ang 1 kutsara ng cornstarch na tinunaw sa tubig.

Ilagay ang ginawang sauce sa napritong karne ng baboy.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.