Paano nagkakaroon ng pekas ang tao?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano nagkakaroon ng pekas ang tao?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Palaisipan pa rin umano sa mga doktor kung ano ang eksaktong sanhi ng melasma o pekas, isang kondisyon ng pagkakaroon ng mapusyaw na kayumangging batik sa balat.

Pero ayon sa dermatologist na si Dr. Zharlah Gulmatico-Flores, may mga trigger o kondisyon na nagiging dahilan para makaranas ng pekas ang isang tao.

"Sa totoo lang, hindi pa talaga alam kung ano totally exact cause ng melasma," sabi ni Flores sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Kadalasan umanong lumalabas ang pekas sa noo, pisngi, ilong at sa itaas ng labi.

ADVERTISEMENT

Isa sa mga karaniwang nagpapalabas ng pekas ang sun exposure o matagal na pagkabilad sa araw, ayon kay Flores.

Nagdudulot din umano ng pekas ang pagbabago sa hormones gaya ng pagbubuntis o pag-inom ng mga contraceptive pills.

"After ilang months mong manganak, mawawala din siya," ani Flores.

Puwede ring mamana ang pekas o lumabas dahil sa pagkairita ng balat sa skin care products, ayon sa doktora.

Nawawala naman daw kalaunan ang pekas kung ang sanhi nito ay ang pagbabago sa hormone pero kailangan nang isailalim sa treatment kung dahil sa sun damage.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.