ALAMIN: Mental health problem, posibleng namamana?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mental health problem, posibleng namamana?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

May posibilidad na namamana ang mental health disorder o problemang pangkaisipan.

Ito ang inilahad ng isang eksperto sa programang "Healthy Sabado" ng DZMM.

Ayon kay Dr. Rodelen Paccial ng National Center for Mental Health (NCMH), bukod sa lugar na kinabibilingan ng tao o social factor ay maaaring may epekto rin ang biological factor.

"Half of it is genetics...[kung] ang nanay mo depressed, ang uncle mo may dementia, so probably may risk factor ka na inside you," ani Paccial.

ADVERTISEMENT

"Nakatatak na po 'yan sa genes, we can't escape our heritage," dagdag niya.

Paliwanag pa ng espesyalista, may mga parte sa utak na nakaugnay sa genes na maaaring magdetermina sa kalusugang pangkaisipan.

"Sa mga neurotransmitters usually, tsaka 'yong receptors ng neurons natin, doon usually naka-link ang mga genes na 'yan, 'yon ang function nila sa katawan," saad niya.

Paliwanag pa ni Paccial, lahat ng tao ay mga posibilidad na magkaroon ng problemang pangkaisipan.

"In truth, everybody carries a risk for mental disorder," aniya.

ADVERTISEMENT

"It is our resilience, factors, strengths natin, coping skills, adaptation skills which would determine kung bibigay tayo sa stress," saad ni Paccial.

Malaki rin aniya ang epekto ng kinalakihang pamilya o patnubay sa kalusugang pangkaisipan ng isang tao paglipas ng panahon.

"If we are in a family na supportive, we are in a family na paglaki mo [ay] nakikita mo paano mag-cope si dad o si mom mo...nag-identify ka rin, nagle-learn ka rin [na] ganito pala paano mag-handle ng problems sa buhay," dadag niya.

Payo niya, mas mainam na maglaan ng oras ang mga magulang sa kanilang mga anak upang mas magabayan ang disposisyon ng mga ito sa buhay.

Editor's note:

May mga grupo sa Pilipinas na handang makinig sa mga taong nakararanas ng matinding kalungkutan at depresyon.

ADVERTISEMENT

Kabilang na rito ang Natasha Goulbourn Foundation na handang tumugon kahit na anong oras.

Narito ang kanilang hotline numbers:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.