Aksidenteng nakain ang prutas na inuuod? Narito ang paunang lunas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Aksidenteng nakain ang prutas na inuuod? Narito ang paunang lunas
ABS-CBN News
Published Jul 07, 2019 07:59 PM PHT

MAYNILA — Naranasan niyo na ba ang kumain ng isang prutas pero matapos ang maraming kagat ay nakita niyong bulok na pala ito at inuuod na?

Sa programang "Dra. Bles @ Ur Serbis" ng DZMM, tinalakay ni Dra. Bles Salvador ang tanong ng isang lalaki mula Bicol na nakakain umano ng bulok at inuuod na avocado.

Nag-aalala si alyas "Jimmy" kung mabubuhay ba sa kaniyang bituka ang mga uod na nalunok niya.

Ayon kay Salvador, ang mga uod mula sa nasirang prutas ay kadalasang namamatay na sa mga asidong nasa loob ng sikmura ng tao.

"Actually kapag mga uod-prutas, kapag nalunok po ninyo iyon, kadalasan ito ay napapatay ng mga asido na nasa loob ng ating stomach."

Pero para makasiguro, sabi ni Salvador, ay maaaring uminom ng gamot para mapurga ang mga uod, na maaaring nabuhay pa sa tiyan.

"Puwede po kayo isang tableta lang ng Mebendazole. Isang tableta lang. Inumin ninyo. Pagkalunok ninyo inom ng maraming tubig and then. Idudumi na po ninyo 'yung uod," sabi ng doktora.

Dalawang beses umano dapat inumin ang Mebendazole na may pagitang 1 linggo.

"And then makalipas ang isang linggo, inom ulit ng isang tableta. Para sigurado. Over the counter lang naman po," aniya.