Guro, nagsuot ng unipormeng pang-elementarya bilang guest speaker sa graduation | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Guro, nagsuot ng unipormeng pang-elementarya bilang guest speaker sa graduation

Guro, nagsuot ng unipormeng pang-elementarya bilang guest speaker sa graduation

ABS-CBN News

Clipboard

Usap-usapan ang pagsusuot ng unipormeng pang-elementarya ng 31-anyos na guro na si Alvin Butardo sa isang graduation ceremony sa Manato Elementary School sa bayan ng Tagkawayan, Quezon nitong Hulyo 4.

Sabi ni Butardo, nagsilbi siyang guest speaker sa nasabing paaralan kung saan siya nagtapos ng elementarya at ang pagsusuot niya ng uniporme ay sumisimbolo ng pagpapahalaga niya sa edukasyon.

Ito rin ay pagbabalik-tanaw niya noong elementarya ito.

Kwento ni Butardo, hindi raw niya naranasan ang magkaroon ng bagong uniporme noong elementarya ito dahil sa hirap ng kanilang buhay.

ADVERTISEMENT

Isang mangingisda ang kanyang ama noon at maybahay naman ang kanyang ina.

Walo umano silang magkakapatid noon na sabay-sabay nag-aaral kaya hindi lahat ng kanilang mga pangangailangan ay naibibigay sa kanilang pag-aaral.

"Hindi ko na-experience ang magkaroon ng bagong pares ng uniporme noong elementary kasi halos lahat po noon ng suot ko ay bigay o hingi sa kapitbahay," sabi ni Butardo.

Para kay Butardo, hindi hadlang ang kahirapan para makamit ang mga pangarap sa buhay.

"Ang payo ko sa mga estudyante ay kung ano ang mga problema na kanilang hinaharap, kahirapan man sa pinansiyal o pagkukulang sa materyal na bagay, patuloy lang na lumaban sa hamon ng buhay upang ang kanilang pangarap ay mapagtagumpayan," sabi ni Butardo.

Si Butardo ay kasalukuyang nagtuturo sa Sanmandelcar National High School sa Tagkawayan, Quezon.

- ulat ni Grace Alba

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.