Batang Pinay, boses sa likod ng 2 karakter sa 'Peppa Pig'

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Batang Pinay, boses sa likod ng 2 karakter sa 'Peppa Pig'

Cris Zuniga,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbabakasyon ang pamilya ni Chelsy Orfinada sa hometown ng kanyang mga magulang sa Alaminos City, Pangasinan. Ang boses niya ang nasa likod ng kambal na karakter sa "Peppa Pig" na sina Pegi at Pandora Panda. Cris Zuniga, ABS-CBN News

May higit 8.7 million subscribers ang YouTube channel ng sikat na kid's show sa London na "Peppa Pig," at isa sa mga voice actress ng show ay ang 8 taong gulang na babaeng tubong Alaminos City, Pangasinan.

Hindi lang isa, kundi dalawang karakter ang pinagbibidahan ni Chelsy Orfinada sa "Peppa Pig"– ang kambal na panda na sina Pegi at Pandora.

"It's amazing and weird at the same time, because it's like watching yourself. They say I sound so different," aniya.

Nag-debut si Orfinada bilang voice actress sa episode na nag-air noong Pebrero, kasabay ng Year of the Pig.

ADVERTISEMENT

Sabi ng kaniyang nanay na si Karen, mahilig daw talagang umarte si Orfinada.

"She auditioned in London and got chosen among the others. On weekends, she goes to workshops to sing and dance," ayon sa kanyang ina.

Bukod sa pagiging voice actress, social media influencer na rin si Orfinada na kilala bilang Little Lady C sa kaniyang mga vlog.

Sa kabila naman ng umuusbong na karera, tuloy ang pag-aaral ni Orfinada sa exclusive school sa London.

Nagbakasyon lang sila sa hometown ng kanyang mga magulang para tumulong na ring i-promote ang Hundred Islands National Park.

"Maganda kung si Chelsy ang ambassador kasi ang Hundred Islands ay isang family-oriented na pasyalan,” sabi ni Alaminos Tourism Officer Miguel Sison.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.