Local food delivery app binuo sa Baguio para makatulong sa mga nawalan ng trabaho

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Local food delivery app binuo sa Baguio para makatulong sa mga nawalan ng trabaho

Micaella Ilao,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 27, 2020 08:16 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

BAGUIO CITY - Isang local food delivery app ang binuo ng 2 magkaibigan sa Baguio City para makatulong sa mga maliliit na negosyong naapektuhan ng pandemya.

Binuo nina Clifford Gonzales at Maui Fernando ang "When In Baguio Eat," isang food delivery app. Pero di tulad ng ibang food delivery app, pagkain mula sa mga maliliit na negosyante ang tampok dito.

“Nagba-browse kasi kami sa mga food delivery app noon. Sabi ko bakit panay big brands lang ang mga nasa apps na ‘to. So nag-create kami ng mobile application na magpa-pioneer o magpu-push ng local businesses ahead. Kasi marami kaming kaibigan na labis naapektuhan ng pandemic na ‘to. Kung makakatulong kami sa mga nawalan ng trabaho 'yun 'yung naging driving force namin para lang matapos 'yung app," paliwanag ni Fernando.

Ayon sa negosyanteng si Jahmela Benitez, malaking tulong sa kanilang takoyaki business ang app dahil bukod sa libreng pag-advertise sa kanilang produkto, may taga-deliver pa sila.

ADVERTISEMENT

Sampung porsiyento lamang ang kinukuhang komisyon ng app sa mga negosyante. Maging ang mga rider na kanilang kinukuha ay mga street vendor na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Isa si Marlon Peralta sa mga natulungan nina Gonzales at Fernando. Dati siyang nagtitinda ng kendi at mani sa labas ng The Mansion, pero ngayon ay kinuha siyang rider para sa delivery ng pagkain.

Bukod sa mga vendor, may mga kasama rin silang mga dating drayber ng taxi.

Plano pa ng magkaibigan na dagdagan ang kanilang riders. Dalawang linggo na simula nang mag-umpisa ang kanilang proyekto.

Gusto rin ng magkaibigan na maisama sa kanilang delivery business ang mga pasalubong at mga art products na gawa ng mga lokal na artist sa lungsod na apektado rin ng pandemic.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.