Paano malalampasan ang sakit ng rejection? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano malalampasan ang sakit ng rejection?
ABS-CBN News
Published Jul 30, 2018 05:53 PM PHT

Normal para sa mga tao na makaranas ng rejection o pagtanggi, sa aspeto man ng trabaho, pag-ibig, o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

Pero sa halip na sumuko dahil sa pakiramdam ng pagkabigo, mainam na gamitin ang rejection bilang pagkakataon upang matuto at mapaunlad ang sarili, ayon sa isang life coach.

"It's part of life kasi kung hindi tayo nakaka-experience ng rejection, hindi tayo nag-go-grow," sabi ni Shaun De Joya sa "Sakto" ng DZMM.

"Hindi naman siya, mare-reject ka tapos wala kang mapupulot o matututunan doon kasi it shows or it gives you an insight kung ano iyong blind spots mo," paliwanag niya.

Madalas kasi umanong naiipit ang mga tao sa pakiramdam ng pagkabigo kapag minsan silang na-reject.

"Natatakot na tayo na, 'next time na gagawin ko ito, baka ma-reject na naman' ako rather than thinking na, 'okay, kung ma-reject ako ngayon, ito 'yong potential na mangyayari sa 'kin,'" ani De Joya.

Kapag nakaranas ng rejection, mainam umanong tanungin ang sarili kung bakit na-reject at ano ang mga oportunidad para mapaunlad ang sarili.

Ayon kay De Joya, hindi dapat gawing personal na isyu kapag na-reject. Maaari kasing kaya na-reject ay dahil sa kung paano ibinenta ang sarili o isang bagay.

Halimbawa niya ay sa paghahanap ng trabaho at panliligaw.
Halimbawa niya ay sa paghahanap ng trabaho at panliligaw.
ADVERTISEMENT
"Kung nagpe-present ka o nag-a-apply ka ng trabaho... baka 'yong level of conversation mo, specific doon sa trabaho, baka hindi kayo aligned," ani De Joya.

"Sa relationship, baka 'di ganoon maganda iyong intention mo noong pumasok ka. Baka nu'ng sinabi mo agad, parang 'Puwede maging tayo na?' agad. 'Di ba sa una dapat makikipagkaibigan tayo bago tayo mag-initiate na mag-akyat ng ligaw?" paliwanag niya.

Ipinapayo naman ni De Joya sa mga kabataan na lumapit sa mga magulang kapag nakaramdam ng kalungkutan o pagkabigo dahil sa rejection.

Dapat din umanong magkusa ang mga magulang na kausapin at kumustahin ang kanilang mga anak.