COVID-19 Diary: 'Nalulunod sa sariling baga,' nagdurugong ilong, nakababaliw, kwento ng survivor

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 Diary: 'Nalulunod sa sariling baga,' nagdurugong ilong, nakababaliw, kwento ng survivor

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi biro ang COVID-19.

Iyan ang nais isalaysay ng coronavirus disease (COVID-19) survivor na si Karen Gerero, na napagtagumpayan man ang sakit, ay hindi malilimutan ang hirap na pinagdaanan.

Sa isang social media post, ibinahagi ni Gerero ang mga retrato at kwento ng kaniyang paglaban sa COVID-19.

---

ADVERTISEMENT

Nagsimula ang kwento ko noong June 11 (Huwebes) nang bigla na lang ako inubo. Walang cause, hindi ako uminom ng malamig ng tubig o kumain ng ice cream o nag-concert. Basta biglang inubo lang, makati sa lalamunan, at very dry.

June 12
Nagka-lagnat.

June 13 and 14
Walang fever pero may ubo pa din; nag-iba ang lasa ng Colgate; nabawasan ang pang-amoy

June 15
Fever na naman, nanginginig ako sa madaling araw kahit naka-kumot

June 16 (morning)
Humingi na ako ng advice sa medical professional friends ko na sina Dra. Trishe and Ma’am Kaye. Dahil sa ON and OFF na lagnat, ubo, at pag-iba ng panlasa, pinapunta na nila ako ng Emergency Room.

ADVERTISEMENT

June 16 (afternoon)
Na-diagnose ako na may pneumonia pero maliit lang naman daw nakita sa lungs ko. Sinabihan na ako na kailangan ko na magpa-admit dahil kung sakaling positive ako sa COVID-19, mabilis lang daw ito mag progress.

Photo by Karen Gerero

June 17 – 21
Lumala ang ubo ko, hirap na ako huminga at laging may lagnat. Pero kaya ko pa maglakad-lakad sa hospital room. Dahil wala pang result ang swab test, pang pneumonia at fever lang muna ang gamot na binigay sa akin.

June 22
Lumabas ang result na positive ako sa COVID-19. Nakita rin sa x-ray na nag progress ang pneumonia ko. Sa panahong ito, hirap na hirap na ako huminga. Hindi pwede na nakahiga lang ako ng “flat” dahil nawawalan ako ng hangin.

Hindi ko rin kayang tumagilid sa kaliwa o kanan. Hindi ko na kayang maupo basta basta. Hindi ko na kayang maglakad o tumayo man lang. Para akong nalulunod sa sarili kong baga, parang punong puno ng tubig pero wala naman akong mailabas.

Naka-oxygen support na ako pero dahil hindi ako nag iimprove, ginawang “high-flow” ang oxygen ang ikinabit sa akin. In less than 2 hours, dinala na ako sa CCU (ito yung ICU ng COVID-19 patients sa St. Luke’s QC). Ganun kabilis mag progress ang COVID pneumonia.

ADVERTISEMENT

Pero bago man lang ako maipasok ng CCU, nahirapan ang mga nurses na ilipat ako sa isang special hospital bed dahil hindi ko kayang mahiga ng flat kahit limang segundo lang.

Maraming hospital apparatus na ang nakakabit sa akin, kasi isa din sa possible side effects ng gamot ay cardiac arrest. Ilang beses ako na-ECG, mas tinaasan ang “flow” ng oxygen, at may naka handa na din na defibrillator just incase kailanganin ko. Ilang beses din ako kinunan ng dugo, dahil hindi lang lungs ko ang binabantayan kundi ibang organs ko na pwedeng maapektuhan ng COVID-19.

Dahil sa nasal cannula, araw-araw may buo-buong dugo na lumalabas sa ilong ko. Sinabi ko ito sa doctors para maiwasan sana. Tinanong nila ako kung willing ako magpa-intubate, sabi ko hindi. (Kering-keri ko naman pala ang dugo sa ilong at deep breathing - bakit pa kasi ako nagtanong).

May mga pagkakataon na nag-anxiety attack ako, nagigising sa madaling araw na parang nawawala sa wisyo. Nagtatanong ako bakit ako nandito, bakit nakahiga, bakit may oxygen. Ramdam ko din na gustong-gusto ko na umuwi at saka ko lang maaalala na may COVID-19 pala ako.

Minsan naman, biglang bumababa ang blood pressure ko at heart rate. Tapos sunod sunod na naman ang ubo at mati-trigger ang alarm ang monitor ko, papasok ang nurse, kakausapin ako at tutulungan maka-recover sa walang tigil na ubo.

ADVERTISEMENT

At dahil hindi ako makabangon, nilagyan na ako ng catheter at pinag adult diapers na din. Ito yata ang pinakamasakit at pinakamahirap tanggapin sa lahat, na sobrang dependent na ako sa mga nurses na naka-assign sa akin.

Photo by Karen Gerero

Naiisip ko na naghahanda ako for Ironman at Spartan Races this year. Noong February lang, “SWIM-BIKE-RUN” ang pinagkakaabalahan ko pero ngayon, nakaratay ako sa hospital bed at hindi ko alam kung kailan ako uuwi.

Halos oras-oras akong umiiyak, nagdadasal, nag-iisip. Ito na ba ang katapusan ko? Ano kaya nag future ko, kung meron man?

Napakalabo. Hindi ko alam kung kailan ako gagaling, kung kailan ako uuwi. At ang masama pa, hindi ako pwedeng dalawin ng kahit sino sa pamilya ko at mga mahal sa buhay.

May isang madaling araw na ramdam ko na hinang-hina na ang katawan ko, hindi ako hirap huminga pero parang wala na akong lakas. Nag 87/68 na ang BP at 47 naman ang heart rate. Sumusuko na ang katawan ko at parang handa na magpa-alam. Kalma sa pakiramdam pero alam kong kapag natulog ako, hindi na ako magigising.

ADVERTISEMENT

Dahil doon, hindi ako natutulog. Nagdasal ako nang nagdasal at nakiusap sa Diyos. I literally fought for my life with eyes wide open.

Pinaliwanag sa akin ng mga doctor kung ano ang course of treatment ko pati possible side effects ng mga gamot. Binigyan nila ako ng iba’t ibang klase ng anti-viral at anti-bacterial drugs sa naaayon sa mga nararamdaman at health status ko.

At dahil wala pa talagang gamot sa COVID-19, may mga pagkakataon na kailangan kong pumirma or magbigay ng consent para sa isang particular na gamot.

Nag-agree din ako na isali sa isang clinical trial tungkol sa COVID-19 ng World Health Organization. Para raw malaman kung alin na gamot ang magiging effective sa mga tulad ko. Pero gusto kong linawin na hindi mga “bagong gamot” ang kasama sa clinical trial, ito yung mga proven at tested na gamot na available na sa market.

Photo by Karen Gerero

Unfortunately, ramdam ko na hindi umeepekto ang mga gamot na binigay sa akin. Lalong lumala ang pneumonia ko at hindi nawawala ang lagnat kaya nag propose ulit ng ibang approach ang doctors.

ADVERTISEMENT

May isang gamot na worth P30,000 daw at kapag hindi pa din umepekto, hemoperfusion na worth P70,000 per session (4 sessions ang kailangan ko).

Kapag hindi pa rin, sasalinan na ako ng plasma (sana raw 'wag na ako umabot dito) galing sa isang COVID-19 survivor.

At kung wala pa din effect, palalakasin na lang immune system ko – meaning, magdadasal at aasa sa sana, gumaling ako kahit hindi umeepekto ang mga gamot na binigay sa akin.

Sa awa ng Diyos, bumuti ang pakiramdam ko sa hemoperfusion at unti-unti na naka-recover.

June 30
Nakabalik na ako sa regular room, yehey! Hindi na din “high-flow” ang oxygen support ko.

ADVERTISEMENT

Photo by Karen Gerero

July 2
HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Naghahanda talaga ako para sa araw na ito, eh. Late last year pa ako nagsimula na magpapa-sexy (char) para sa isang nagsu-surf na picture somewhere in Siargao tapos may caption na “This is 38” hahaha!

Pero eto, pahinga muna sa hospital bed. Salamat kina Sir Third at Ma’am Kay sa masayang “Happy Birthday” song for me.

Birthday gift sa akin ng mga doctors – Wala na ako oxygen support YEY!!!!! Sariling sikap na ulit ang mga kawawang baga ko. Keri lungs!!!

July 3
Second swab – Positive pa rin ☹

ADVERTISEMENT

July 4-13
Recovery period sa hospital.

Tinanggal na ang cathether, unti-unti na akong nagiging independent ulit, unti-unti na umuupo at tumatayo. Then konting lakad-lakad na. Everything in moderation. Nawala muscles ko, pumayat ang legs at thighs. Hindi na bale, pwedeng naman mag training ulit.

Sa kabila ng lahat, tuwang-tuwa ang mga nurses sa bilis ng recovery ko. Usually daw kasi, inaabot ng 45 days ang recovery ng mga tao na nadala sa CCU. Nakatulog daw ang healthy lifestyle at kawalan ng bisyo (buti naman, akala ko walang sense ang pag iiwas ko sa mga nakakasama sa kalusugan e hahaha)

July 14
Third swab – Positive pa rin ☹

Pero ang good news, UUWI na ako!!! After 4 weeks sa hospital, home sweet home!

ADVERTISEMENT

July 14 – July 28
Isolate sa bahay.

Ramdam ko na sobrang pagod na pagod ako sa buhay. Hahaha! Hindi nauubos ang antok at minsan, hindi maipaliwanag yung pagod kasi hindi naman ako masyadong gumagalaw.

Kailangan maging patient sa recovery period ko. Natulog ako ng mahaba, kumain ng madami at maayos as in kanin umaga, tanghali, gabi (kabilin bilinan ng nurses na wag na wag akong mag diet), at mas naging maingat sa lahat.

Sinunod ko ang suggestions ng mga COVID survivors tulad ng magpalit ng toothbrush kada week, mag vitamins, mag sanitize sa bahay etc.

Unti-unti na rin akong bumalik sa trabaho (salamat sa work from home na set-up). Bumalik ako hospital nung July 28 for fourth swab at iba pang follow-up tests.

ADVERTISEMENT

July 31
Dumating ang email from St. Luke’s na NEGATIVE na ako! 😊 😊 😊

Hindi ko na napigilan lumuha habang nasa Zoom meeting. Ang saya ko! Kumain ako ng ice cream to celebrate! Pero gaya ng pangako ko sa Diyos, hindi kumpleto ang COVID-19 journey ko hangga’t hindi ako nakakapag donate ng plasma.

August 6
Back to hospital para sa appointment with my infectious diseases doctor. CLEARED NA AKO SA COVID-19!!!

At dahil nalaman ni Doc na willing ako mag donate, nag-coordinate siya agad sa hospital para ma-check kung pwede ako maging donor. So, after ilang vials at blood tests, sinabihan ako na pwede daw ako mag-donate at mataas daw ang anti-bodies ko.

Sobrang saya ko at naiyak din sa pasasalamat. Feeling ko na serve ko na ang purpose ng pagkakasakit ko. So ayun, drama-rama ako habang nagdo-donate. Pati tuloy mga nurses, umiyak na din sa kwento ko.

ADVERTISEMENT

Nag-request sila na bumalik ako after two weeks, kasi sobrang kailangan daw ng plasma. Sabi ko babalik ako, sa kaloob ng Diyos, babalik ako sa August 20 para mag donate ulit ng plasma.

FINALLY: Nag-celebrate na ako ng birthday ko. Simple lang, pero punong puno ng grasya at pagpapala. Wait ka lang Siargao, magkikita rin tayo.

Photo by Karen Gerero

REALIZATIONS:

1. COVID-19 IS REAL. Kahit sino pwedeng magkasakit, literal na kahit sino. Kaya sana, wag natin kalimutan mag-mask, maghugas ng kamay, at mag-observe ng social distancing. At kung hindi kailangan lumabas ng bahay, please stay at home. Maging mapanuri din tayo sa mga nakikita o nababasa natin online dahil hindi lahat ng post ay totoo. Wala pang gamot sa COVID-19 (kaya 'wag maniwala sa sinasabing mga “nakaka gamot” daw) pero pwede natin itong maiwasan o mapagtagumpayan.

2. COVID-19 IS A SLOW DEATH. More than the physical battle, labanan ito ng lakas ng loob at isip. Pananampalataya sa Diyos, pagmamahal ng pamilya, at suporta ng mga mahal sa buhay ang the best na sandata sa lungkot at pagdududa.

3. APPRECIATE YOUR FAMILY, LOVED ONES, AND FRIENDS. Ito talaga ang naka-sustain sa akin lalo sa mga oras na nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko man sila nakikita, alam kong ginagawa nila ang lahat para matulungan ako sa pag galing. Walang ibang mas mahalaga kundi ang makauwi ng buhay sa pamilya at mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT

4. PAGOD NA NG FRONTLINERS NATIN. Sa 4 weeks na inilagi ko sa hospital, hindi ako pinabayaan ng mga nurses at doctors. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila at kagustuhan na gumaling na ako.

Photo by Karen Gerero

Pati mga nursing aids at housekeeping staff ng hospital, may pagkalinga. Laging mahalaga ang kapakanan ko – kung nakaka tulog ba ako, nakakakain ng maayos, o di kaya malinis pa ang kumot.

Hindi ako nakaramdam na nandidiri sila o natatakot mahawa kahit ang iba sa kanila ay nagka-COVID na din. Laging naka-ngiti, laging nangungumusta at pinapa lakas ang loob ko.

Pero kitang kita ko sa mga mata nila ang pagod. Imagine, tatlong patong (1 uniform, 1 bunny suit, 1 additional PPE) ang suot nila plus dobleng masks at googles pa bago makapasok sa room ko.

Tapos yung aircon, laging naka-OFF dahil nilalamig ako. Wala silang reklamo kahit pawis na pawis na at pagod na pagod sa pag aasikaso sa akin at sa iba pang COVID patients (walang tigil na pasok ng pasyente sa COVID ward).

ADVERTISEMENT

Kaya naman SALAMAT, sa mga angel nurses, doctors, at hospital staff ng St. Luke's QC. Salamat sa pagmamahal at pag alaga ninyo sa akin. Sana kapag nakita niyo ako sa labas ng hospital, kausapin niyo ako dahil gusto kong magpasalamat na nakikita ang mga mukha ninyo (na hindi naka PPE).

5. WE ARE ALL IN THIS TOGETHER. Alam kong trabaho ng mga frontliners na mag alaga pero OBLIGASYON nating lahat ng mag ingat lalo sa panahon ngayon. 'Wag na natin pahirapan ang bansa natin, magkusa na tayong gawin ang nararapat.

6. MAGASTOS ANG MAGKASAKIT. Hindi ko maitatanggi na malaki ang nagastos ko sa hospital. Sa sobrang laki, pwede na siguro akong makabili ng bahay at lupa sa probinsiya. Naubos ang savings ko, pati din savings ng pamilya ko.

Hindi rin natatapos sa hospitalization ang gastos, marami pang check ups at additional tests na pwedeng i-request ang doctors.

Pero dahil sa PhilHealth, PCSO, OP, at tulong ng mga kapamilya, kaibigan, ka-klase, at ka-opisina, naitawid ang malaking bill ko sa hospital.

ADVERTISEMENT

Meron pa din akong mga utang na dapat bayaran pero alam kong kakayanin ko sa tulong ng Diyos.

7. EVERYTHING IS GRACE. Amen.

PSALM 23

The LORD is my shepherd; there is nothing I lack.
In green pastures he makes me lie down;
to still waters he leads me;
He restores my soul.
He guides me along right paths
for the sake of his name.
Even though I walk through the valley of the shadow of death,
I will fear no evil, for you are with me;
your rod and your staff comfort me.

You set a table before me
in front of my enemies;
You anoint my head with oil;
my cup overflows.
Indeed, goodness and mercy will pursue me all the days of my life;
I will dwell in the house of the LORD for endless days.

(Editor's note: Republished in full with minor edits)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.