Lolang hirap lumakad, binuhat ng pulis para makapagpabakuna

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lolang hirap lumakad, binuhat ng pulis para makapagpabakuna

ABS-CBN News

Clipboard

Hinangaan ni Bayan Patroller Dizza Mae Figura ang ginawang kabutihan ni Patrolman Joue Hornada Pajenado sa 66 anyos na lola na si Marieta Suan, sa isang vaccination site sa Arakan, Cotabato noong Agosto 17.

Ayon kay Figura, na isang nurse na nasa vaccination site, nakatataba ng puso na makita ang katulad niyang frontliner na buong puso ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Kwento naman ni Pajenado, “Hindi po kasi ako makatiis na may isang nanay na nahihirapan at pumunta para magpa-vaccine ... binuhat ko na lang para po maasikaso po siya.”

Sa panayam ng Bayan Mo, i-Patrol Mo kay Lola Marieta, labis ang pasasalamat niya sa pulis na tumulong sa kanya.

ADVERTISEMENT

Aniya, hirap na kasi talaga siyang lumakad dahil iniinda niya ang kanyang kaliwang paa.

“Okay po silang mag-alaga ...nagpapasalamat po ako.”

—Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, i-Patrol Mo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.