Pagkatuyo ng pawis, sanhi nga ba ng pulmonya?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkatuyo ng pawis, sanhi nga ba ng pulmonya?

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 28, 2017 07:39 PM PHT

Clipboard

Madalas na payo ng mga nakatatanda na iwasan ang pagpapatuyo ng pawis sa likod para makaiwas sa pulmonya.

Pero ayon sa isang eksperto, hindi palaging nagiging sanhi ng pulmonya ang pagkabasa sa pawis o maging sa ulan.

"Kahit gaano pa kapawis, gaano katindi pa ng ulan o ano, kung walang mikrobyo at 'yung vulnerability, hindi matutuloy 'yan," paliwanag ni Dr. Isauro Guiang Jr., isang pumonologist.

Dagdag ni Guiang, mikrobyo na nagdudulot ng impeksiyon sa baga ang pangunahing sanhi ng pulmonya o pneumonia.

ADVERTISEMENT

"Dapat may mikrobyong involved, may infection na nakapasok ng lungs," paliwanag ni Guiang.

Karaniwang sintomas ng pulmonya ang ubo, lagnat at panghihina ng katawan. Maari ring makaranas ng hirap sa paghinga ang mga pasyenteng may pulmonya.

Ang mga bata at mga matatanda ang kadalasang nagkakaroon ng pulmonya, maging ang mga may iniindang sakit tulad ng emphysema, o sakit sa bato at atay.

Payo ni Guiang, mahalagang alagaan ang katawan para makaiwas sa mga sakit tulad ng pulmonya.

"It's always very important to maintain a very good health level," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.