ALAMIN: Bakit nagkakaroon ng 'mannerism'? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Bakit nagkakaroon ng 'mannerism'?

ABS-CBN News

Clipboard

Ipinaliwanag ni Clarissa Mariano-Ligon, early childhood and family specialist, sa programang "Sakto" ng DZMM ang kahulugan ng mannerism at kung paano maiiwasan ito.

"Ang mannerism is a physical gesture, paggalaw ng parte ng katawan o pwede rin sa speech. Na-fo-form ang mannerism subconsciously, hindi natin namamalayan."

Halimbawa ng mannerism ang pagkagat sa mga kuko o mismong daliri ng kamay nang hindi namamalayang ginagawa na pala ito.

Ani Ligon, 'self soothing' ang mannerism kaya kadalasang nagagawa ito ng tao.

ADVERTISEMENT

"It is our way of soothing ourselves, calming our nerves," aniya.

Nagagawa rin minsan ang mannerism dahil sa kaba o kaya'y boredom.

Pero kapag nakasasagabal na ang mannerism sa pang-araw-araw na ginagawa, dapat nang sumailalim sa habit reversal training ang mayroon nito.

"Kailangan nating bantayan ang ating sarili, so parang awareness po siya. So we have to be aware kung kailan natin 'yon ginagawa at kailangan din nating alamin bakit po natin siya ginagawa.

Payo ni Ligon, piliin lang kung anong mannerism ang makatutulong sa sarili.

"Importante na maging aware ka rin sa sarili mo. Tanungin mo bakit mo ba 'to ginagawa? For example, dahil ba 'to sa kaba? At kung pangit naman at nakakaapekto sa trabaho, ano ang pwedeng ipalit do'n?"

Maaari rin namang matigil ang mannerism kung mapalitan ito ng ibang pamamaraang mas magpapakalma sa tao kung ang mannerism ay nagagawa tuwing kinakabahan siya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.