Nagagamot ba ang pagiging 'pervert'?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nagagamot ba ang pagiging 'pervert'?
ABS-CBN News
Published Sep 24, 2017 04:13 PM PHT

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.
Nagbabala si Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang ‘Private Nights’ sa DZMM tungkol sa mga taong "pervert" pero maaaring hindi nila batid na may sakit sila.

Ayon kay Marquez, isang kondisiyong medikal ang "paraphilia" o ang sexual perversion.

"Ito ay isang sexual behavior na napaka-abnormal. Mayroon siyang mga bigla-biglang ginagawa o impulses characterized by intense sexual fantasies," paliwanag ni Marquez. "'Yong urges niya, tsaka 'yong behavior niya, usually it involves objects o kaya activity... or he is into a situation na hindi siya considered na nakaka-arouse ng ibang tao."

"Kadalasan ang perverts ay walang sexual act, walang sexual intercourse, they don't do the act itself with another person pero ito po ay problema ng mismong individual."

May iba't ibang klase rin ng pervert, ayon kay Marquez.

Mayroon iyong mga tinatawag na "exhibitionist" o naglalabas ng ari o kaya'y ginagalaw ito sa harap ng mga di kilalang tao o sa publiko.

Maituturing ding pervert ang taong may "fetish" o iyong may "sexual arousal" sa mga bagay tulad ng sapatos o lipstick. Maaari ring may fetish ang isang pervert sa isang partikular lang na bahagi ng katawan ng partner, tulad ng kaniyang labi o mga daliri.

Tinatawag ding pervert iyong mga mahilig mamboso sa mga indibidwal na walang malay na sila'y tinitingnan na pala habang naghuhubad o kaya'y nakikipagtalik. Pervert din ang mga nanghihipo kapag nakahanap ng pagkakataon sa mga matatao at siksikang lugar.

Ayon kay Marquez, kadalasang nakararanas ng pambubugbog o iba pang klase ng pagmamalupit ang mga pervert kapag sila'y nahuhuli sa akto.

Pero dapat aniya, magkaroon ng konsiderasyon para sila'y matingnan ng espesyalista.

"In most cases 'yong individual na may paraphilia, may difficulty po 'yan na magkaroon ng development ng kaniyang personalidad. Tsaka 'yong sexual relationship niya with others ay may problema so nagiging sexual pervert siya.

Mainam din kung uunawain ang kondisiyong medikal ng isang pervert.

"It is imperative that people with paraphilias of an illegal nature receive professional help," ani Marquez. "These people na perverts have to be taken to a psychiatrist, psychologist, at kailangang mapatingin po"

Maaaring bigyan ng gamot ang pervert na magpapababa sa kaniyang "sex drive" o sex hormones.
Maaaring bigyan ng gamot ang pervert na magpapababa sa kaniyang "sex drive" o sex hormones.
ADVERTISEMENT
Dapat ding maagapan ang ganitong kondisiyon para maiwasang magdulot pa ng krimen o maging peligro sa sarili.

Ayon kay Marquez, pangmatagalan ang gamutan sa sexual perversion para matiyak na di na mababalik sa dating gawi ang isang pervert.

Read More:
DZMM
Private Nights
Dr. Lulu Marquez
kalusugan
sexual health
paraphilia
sexual perversion
pervert
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT