RECIPE: Puso ng saging burger

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Puso ng saging burger

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mahilig ka ba sa gulay? Paniguradong swak na swak sa panlasa mo ang puso ng saging burger.

Sa halip na gumamit ng karneng baboy o baka sa inyong burger, maaari kang gumamit ng puso ng saging bilang laman sa burger patty.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si JV Bautista para ibahagi kung paano gawin ang meat-free burger.

Narito ang mga sangkap:

  • Puso ng saging
  • ½ tasa ng harina
  • 2 piraso ng itlog
  • Sibuyas
  • Bawang
  • Asin
  • Paminta
  • Mantika

Paraan ng pagluluto:

Balatan at tanggalin ang gitnang parte ng puso ng saging. Hiwain.

ADVERTISEMENT

Pakuluan ang puso ng saging hanggang sa lumambot.

Matapos pakuluan, hiwain nang pino hanggang mawala ang natirang tubig.

Sa isang lagayan, pagsama-samahin ang puso ng saging, asin, paminta, harina, itlog, sibuyas, bawang. Haluin ang mga ito.

Sa mainit na kawali, maglagay ng isang kutsarang patty at prituhin ito nang dalawa hanggang tatlong minuto.

Maaari nang ihanda ang puso ng saging burger.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.