ALAMIN: Sintomas ng 'attention deficit hyperactivity disorder' na natutuklasan din sa matatanda
ADVERTISEMENT

ABS-CBN News
Published Oct 23, 2017 07:33 PM PHT

Graduate na ng kolehiyo nang malaman ni Fiel John Meria na mayroon siyang attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), isang kondisyong medikal na kadalasang natutuklasan habang bata pa lang ang pasyente.

Pero si Meria, 22 anyos na nang malamang may ADHD siya.

"I couldn't regulate myself. It's like 'yong galaw ko, 'yong behavior, very hyperactive, I was going around, asking people a lot of questions, and it was very difficult to handle me at that time," ani Meria.

Hindi mapakali at madaling ma-distract ang ilan sa katangian ng taong may ADHD.
Hindi mapakali at madaling ma-distract ang ilan sa katangian ng taong may ADHD.
ADVERTISEMENT
Nasa 30% hanggang 70% ng mga bata ang patuloy na nagpapakita ng mga ganitong sintomas hanggang umabot sa kanilang pagtanda.

Dagdag pa rito, tinatayang nasa 30% hanggang 50% ng mga batang may ADHD, may learning disability o hirap matuto.

Mahalaga umano sa isang taong may ADHD na makaramdam ng suporta mula sa mga taong nakapaligid sa kanila.

"Kailangan mayroong pagtanggap na mayroon talagang disorder... kasi nga 'yong iba aakalain, gawa-gawa lang ng bata," ani Dr. Francis Dimalanta, isang behavioral pediatrician.

Kasalukuyang abala ang ngayo'y 30 anyos na si Meria bilang guro sa mga special children.
Kasalukuyang abala ang ngayo'y 30 anyos na si Meria bilang guro sa mga special children.
ADVERTISEMENT
Nais din ni Meria na itaas ang kamalayan ukol sa mga pangangailangan ng kabataang may natatanging karamdaman.

Nakatakdang ikasal si Meria sa Disyembre sa nobyang mayroon ding ADHD.

Batid ni Meria at ng kaniyang magiging misis ang posibilidad na magkaroon din ng ADHD ang kanilang anak, dahil ito ay isang namamanang kondisyon.

Pero ayon kay Meria, hindi dapat ikinakahiya ang pagkakaroon ng ADHD.

"Kung may ADHD man siya, it means there are certain strengths that are very exciting, it would make the person very interesting," ani Meria.

Dagdag ni Meria, maayos na paggabay lamang ang kinakailangang ibigay sa isang taong may ADHD upang madaig nito ang kadalasang nakikitang kahinaan dulot ng kondisyon.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
kalusugan
health
ADHD
Salamat Dok
Attention Deficit Hyperactivity Disorder
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT