Paano iwasan ang mga sakit na dala ng taglamig, ayon sa doktor
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano iwasan ang mga sakit na dala ng taglamig, ayon sa doktor
Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Oct 23, 2022 07:11 PM PHT

MANILA - Ramdam na ang ihip ng hanging amihan na hudyat ng taglamig sa Pilipinas, kaya napasuot na ng damit pangginaw si Jenalyn Mantuwa, isang street vendor sa Maynila.

Kuwento niya, nag-iingat siya tuwing gabi o madaling-araw kung kailan mababa ang temperatura, lalo’t doon na rin sila sa lansangan natutulog ng kanyang pamilya.

“Nangangamba po. Baka magkasakit, magkaubo, sipon, baka sabihin na ano kami, may COVID. Kumikilos kilos para mapagpawisan,” sabi ni Mantuwa.

Tuloy pa rin ang pag-eehersisyo ng iba sa labas. May mga aminadong hindi pa ramdam na lumalamig.
Tuloy pa rin ang pag-eehersisyo ng iba sa labas. May mga aminadong hindi pa ramdam na lumalamig.
ADVERTISEMENT
Pero sabi ng ilan, iibahin na nila ang kanilang gawi kapag lalong guminaw sa labas.

“Sa bahay na lang po siguro. Wala din po kasi ako kasama,” sabi ni Monica Ruben.

“Maganda pa rin po kasi ‘yon para sa katawan natin, nagzu-zumba tayo or nagjo-jogging tayo.”

Diskarte ng nagjo-jogging na si Ramil Dela Pena, hindi siya humihinto tuwing tumatakbo para hindi lamigin.

“‘Di ako komportable na nag-jo-jogging na naka-jacket,” sabi niya.
“‘Di ako komportable na nag-jo-jogging na naka-jacket,” sabi niya.
ADVERTISEMENT
“‘Pag malamig na, e ‘di matulog na lang.”

Bukod sa patuloy na banta ng COVID-19, inaasahang dadami ang iba pang respiratory diseases ngayong taglamig, gaya ng trangkaso at pulmonya.

Ayon sa pulmonologist na si Dr. Maricar Limpin, hindi lang malamig na panahon ang magiging sanhi ng sakit sa mga susunod na buwan.

Dapat din aniyang pag-ingatan ang pagdagsa at siksikan ng mga tao sa mga pasyalan at pamilihan habang papalapit ang Undas at Pasko.

“Usong-uso talaga. Madaling maghawa ng mga respiratory infections. Dito malaking problema hindi lang ang COVID-19, kung hindi maski flu, madaling magkahawaan, maski ‘yong pneumonia, madaling magkahawaan, lalong-lalo na kung ang tao ay impaired ang immune system,” sabi ni Limpin.

Narito ang ilang payo ni Limpin na dapat gawin ngayong taglamig:

1. Magsuot sa labas ng jacket o mas makapal na damit. Pero paalala ng doktor, iwasan naman sobrang mainit na damit na mapagpapawisan.

2. Magsuot pa rin ng face mask tuwing pupunta sa matataong lugar.

3. Dagdagan ang init sa loob ng bahay lalo kung may air conditioner.

4. Mag-isolate at komunsulta agad sa doktor kapag nagkasakit o ang kasama sa bahay.
4. Mag-isolate at komunsulta agad sa doktor kapag nagkasakit o ang kasama sa bahay.
ADVERTISEMENT
5. Magpabakuna o magpa-booster hindi lang laban sa COVID-19 kundi pati sa pulmonya.

Ayon sa doktor, mahalagang pabakunahan kontra pulmonya ang mga matatanda edad 50 pataas at posible kasing

Kailangan din aniya magpakonsulta para maagapan ang nararamdaman.

“Napakahirap natin ma-differentiate ang COVID against flu, against strep pneumonia. So importante po na mag-isolate, and then kapag talagang may mga plema po, you have to connect or contact your health care physicians,” sabi ni Limpin.

Ngayong inaasahan ding tataas ang mga kaso ng COVID-19 sa paglamig ng panahon hanggang Enero, sabi ng doktor, responsibilidad ng bawat isa na hindi magkasakit.

—May ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News
KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT