ALAMIN: Paano dapat 'hinuhubog' ng magulang ang ugali ng anak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano dapat 'hinuhubog' ng magulang ang ugali ng anak
ABS-CBN News
Published Oct 27, 2018 08:05 PM PHT

May iba't ibang bagay na nakaaapekto sa paghubog ng pagkatao ng isang bata, gaya na lamang ng pamilya at mga kaibigan.

Tinalakay sa programang "Sakto" ng DZMM ang mga bagay na nakakaimpluwensiya sa paglaki ng isang bata, lalo na sa formative years nito.

Para sa isang family expert, sa pamilya nagsisimula ang umano'y paghubog ng pag-uugali ng bata bago ito pumasok sa kaniyang formative years kung saan mas makakahalubilo niya ang ibang tao.

"Normal po ito. Ang kailangan lang isipin na habang bata pa sila, 'yung value system niyo po ba ang malakas? Tinuturuan niyo po ba sila kung ano ang tama at mali," ani Tina Zamora, isang eksperto sa paksa ng pamilya.

Payo ni Zamora, kinakailangang igiit ng mga magulang na sundin ang mga patakarang kinagisnan na nila sa kanilang tahanan.

"Kailangan talagang manindigan ang mga pamilya kung ano 'yung regulasyon niyo sa sarili ninyong bahay," ani Zamora.

Nakatutulong rin daw na kinikilala ng magulang ang nararamdamang "selos" o "pagtataka" ng bata kapag nakakakita ito ng taong may ibang patakaran sa na sinusunod sa sariling tahanan.

Mahalaga rin daw ang paghingi ng tawad ng mga magulang kapag nagkakamali ito sa harap ng bata.

"Napakagandang experience po 'yon na nag-aapologize ang tatay at nanay sa kanila...Tinuturuan ninyong maging empathetic ang anak ninyo," ani Zamora.

Payo rin ng family expert na hayaan ng mga magulang na makihalubilo ang anak sa mga ka-edad.

Dapat din daw turuan ng mga magulang ang kanilang anak na itaguyod ang kanilang sarili bilang paghanda sa hinaharap.

"Hindi nila naiisip na the more they control, hindi nagma-mature 'yung bata and there will come a time na talagang ile-let go mo na sila. So papaano 'yun kung wala silang necessary skills," ani Zamora.

"Iyung mga bata kasi kailangan silang makaramdam ng range of emotions, (kung) ano 'yung galit, 'yung jealousy, kung hindi mo 'yan ipapa-experience sa mga anak mo, 'yung spectrum of emotions na 'yon, [baka magkaproblema siya]," dagdag niya.

—Mula sa programang SAKTO ng DZMM-Teleradyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT