Mga kababalaghan, tampok sa 'Pinoy Paranormal Mysteries' kasama si Stargazer

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga kababalaghan, tampok sa 'Pinoy Paranormal Mysteries' kasama si Stargazer

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 28, 2022 01:27 PM PHT

Clipboard

Mga kuwentong kababalaghan tampok sa “Pinoy Paranormal Mysteries.
Mga kuwentong kababalaghan tampok sa “Pinoy Paranormal Mysteries." Photo: Handout

MAYNILA -- Mga nakakakilabot na kuwento ang tampok sa bagong digital docu-series na “Pinoy Paranormal Mysteries" kasama ang psychic paranormal expert na si Stargazer.

Ang mga kuwentong kababalaghan na kukumpleto sa Halloween ay mapapanood sa FYE YouTube channel simula ngayong Biyernes, Oktubre 28, sa ika-6 ng gabi.

Ang bagong docu-series ay may limang episodes na base sa mga totoong pangyayari na puno ng kababalaghan mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa pangunguna ni Stargazer, susuriin ang mga kaganapan, susubukang kausapin ang mga espiritu, at magbibigay paliwanag sa mga manonood.

Para sa unang episode na pinamagatang “Ligaw na Kaluluwa,” bibisitahin ni Stargazer ang Silang, Cavite kung saan tatlong pamilya ang nakakaranas ng panggugulo mula sa mga espiritu.

Sa ikalawang episode na “Engkanto,” tatalakayin naman ang misteryosong pagkawala ng ilang tao sa Tibiao, Antique na pinaniniwalaang dinukot ng mga engkanto.

ADVERTISEMENT

Tampok naman sa episode na “Manggagamot” ang iba’t ibang uri ng healing method tulad ng paggamit ng tawas, pulang tela, at iba pa., habang mapapanood naman sa “Firestarter” episode ang isang bata na may paranormal ability na kayang lumikha ng apoy sa kahit saang lugar, sa anumang oras.

Mapapanood din ang kuwento sa likod ni “Haring Bakal” na hindi tinatablan ng matatalim na mga sandata.

“Ang Pinoy Paranormal Mysteries” ang ikalawang eksklusibong programa ng FYE sa YouTube pagkatapos nitong ilunsad ang “Lucky Home with Master Hanz Cua” noong Agosto.

Bukod sa limited series na ito, napapanood din si Stargazer sa “Pinoy Vibes” ng FYE Channel sa Kumu kung saan nagbibigay siya ng mga payo base sa aura at psychic reading.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.