Pagtatalik, nagdudulot ng 'UTI'? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagtatalik, nagdudulot ng 'UTI'?
ABS-CBN News
Published Oct 29, 2017 03:34 PM PHT

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.
Idinulog sa programang "Private Nights" sa DZMM ng isang internist ang kadalasang tanong sa kaniya ng pasyente tungkol sa urinary tract infection (UTI).

Malimit kasing isinasangguni ng ibang pasyente kung bakit tila nagkakaroon sila ng UTI matapos makipagtalik.

"Kapag sila daw ay nagme-make love mag-asawa, ayan parang masakit umihi, day after, or within 24 hours, or even after two days," paliwanag ni Dr. Lulu Marquez sa kadalasang paglalarawan ng mga nakararanas ng UTI.

Ayon kay Marquez, hindi naman ibig sabihing magkakaroon agad ng UTI kapag nakipagtalik.
Ayon kay Marquez, hindi naman ibig sabihing magkakaroon agad ng UTI kapag nakipagtalik.
ADVERTISEMENT
Pero mas madalas magkaroon ng UTI ang mga babae dahil na rin sa anatomy o hubog ng ari ng kababaihan.

"Mas maraming nagkakaroon ng urogenital infection, or UTI, ang babae dahil doon sa anatomy niya," ani Marquez. "Ang vulva is siyempre, mayroong tatlong butas diyan. Nandiyan 'yong urethra, 'yong labasan ng ihi; nandiyan 'yong tinatawag na vaginal hole na siyempre 'yan po ang vaginal canal, na diyan po dumadaan ang menstruation; ang isa pang butas na malapit diyan ay 'yong anus, kung saan lumalabas ang [dumi]."

Dagdag ni Marquez, dahil magkakalapit ang mga naturang butas, mas lumalaki ang tiyansang maisalin ang bacteria na maaaring makuha habang nagtatalik.

"If you have poor hygiene, could be cause ng infection, ng urogenital infection, ng urinary tract infection," sabi ni Marquez. "You are prone to have bacterial infection especially kung poor hygiene."

Payo ng doktor, ugaliing maglinis ng katawan matapos makipagtalik. Dapat ding tiyaking huhugasan ang pribadong parte ng katawan.

Makatutulong din daw kung iihi pagkatapos ng pagniniig.

"OK daw ba na pagkatapos ng pakikipagtalik, ay [umihi] kaagad. Studies have shown, that could help [combat UTI]," ani Marquez.

Sabi rin ni Marquez, para matiyak na hindi mahahawaan ng anumang sakit o sexually transmitted infection ang katalik, dapat iwasan ang casual sex o ang pakikipagniig sa iba-iba at higit sa isang partner.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Private Nights
Dr. Lulu Marquez
kalusugan
sexual health
urinary tract infection
UTI
sexually transmitted infection
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT