Librong ’May Beybi sa Batya’ tampok ang sanggol sa palanggana sa gitna ng baha sa Cagayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Librong ’May Beybi sa Batya’ tampok ang sanggol sa palanggana sa gitna ng baha sa Cagayan
Josiah Antonio,
ABS-CBN News
Published Nov 17, 2020 07:24 PM PHT
|
Updated Nov 19, 2020 01:54 PM PHT

MAYNILA — Tampok sa librong "May Beybi sa Batya" ang sanggol na inilagay sa palanggana para maging ligtas sa gitna ng pagbaha dahil sa bagyong Ulysses sa Cagayan.

Kuwento ng manunulat at nagdibuho na si John "Jeron Tanglaw" Popa sa ABS-CBN News, inspirasyon niya ang larawan ni baby Ayla na payapa at inosente na “tila walang kamuwang-muwang sa paligid dahil nakangiti pa rin siya kahit nasa batya.”

Aniya, maihahalintulad niya ang kuwento ng bata kay baby Moses sa Bibliya.

“There is a message of peace and compassion from these children. … Unique kasi I remember the story of Baby Moises. He was saved by a basket. Reminder din ito sa lahat na they are very vulnerable,” kuwento ng 25-anyos na public school teacher sa Balele Integrated High School sa ABS-CBN News nitong Martes.

Ayon kay Popa, mahalaga na maitampok ang mga sakuna sa mga kuwentong pambata bilang nagbibigay aral ito sa kabataan hinggil sa pangangalaga ng ating kalikasan.

“Mahalaga ang mga ganitong uri ng materyal dahil binubuksan nito ang isipan ng mga tao na wala tayong karapatan na sirain ang kalikasan. Dapat ay responsibilidad na ito ay ating protektahan,” saad ng guro mula sa Tanauan City, Batangas.

“Palaging pakakatandaan na may puwang ang panitikan at sining. Ito ang tahanan ng mga taong napapagal, naliligaw at nawawalan ng pag-asa,” dagdag pa niya.

Bitbit din ng kuwento, aniya, ang aral ng pag-asa para sa mga Pilipino sa kabila ng mga trahedyang kinakaharap ng bansa.

"Kapit lang po tayo. May awa ang Diyos. Huwag mawawalan ng pag-asa tulad ng isang beybi sa batya."

Ang libro ay mabibili sa halagang P50 at lahat ng proceeds nito ay mapupunta sa pamilya nina Romelyn Tabalno, ina ni baby Ayla, at iba pang nasalanta ng bagyong Ulysses.

Sa ngayon ay nakakalikom na ang akda ng lampas P150,000 at maaaring mag-order ng libro sa link na ito.

KAUGNAY NA ULAT:
Read More:
Tagalog News
Jeron Tanglaw
May Beybi sa Batya
UlyssesPH
Ulysses
Lal-lo
Cagayan
baby sa palanggana
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT