TINGNAN: Bulalakaw sa kasagsagan ng Leonids meteor shower sa Nueva Ecija
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Bulalakaw sa kasagsagan ng Leonids meteor shower sa Nueva Ecija
Josiah Antonio,
ABS-CBN News
Published Nov 18, 2020 05:31 PM PHT

MAYNILA — Nakuhanan ng retrato ng psychology student na si Paul Jacalan ang isang bulalakaw bandang 3:47 ng umaga ngayong Miyerkoles sa Nueva Ecija.

Ayon kay Jacalan, laking tuwa nitong makita ang Leonids meteor shower mula sa kaniyang probinsiya, lalo pa't bihira lang ito mangyari.

“Nabalitaan ko po kasi na peak ng Leonids Meteor Shower po kaninang madaling araw, kaya sumubok po akong mag time-lapse sa langit," kuwento ni Jacalan sa ABS-CBN News.

"Karamihan po sa mga nakuhanan ko ay mga maliliit. Pero, ito pong katangi-tanging ito ‘yung biglang lumitaw po sa area namin na malaki at maliwanag na nataon pa po kung saan nakatutok yung aking camera,” dagdag niya.

“Masaya naman po at hindi ako makapaniwala. Balita ko po kasi, napaka-rare daw po ang makakuha sa isang bolide. Lalo na po at bigla-bigla ito at bihira pong lumitaw sa langit."

Ayon sa astronomer mula sa Philippine Astronomical Society na si Prof. Edmund Rosales, taun-taon mula Nobyembre 3 hanggang 30 nangyayari ang Leonid meteor shower.

Ngunit kagabi (Nov. 17) hanggang kaninang madaling araw (Nov. 18) ito nag-peak, kung saan 15 hanggang 25 na meteors or shooting stars ang makikita sa langit.

Aniya, nagsimula itong makita bago maghatinggabi kagabi at tumagal hanggang kaninang madaling araw.

Nilinaw ng eksperto na hindi rin basta-basta masasabi kung ang isang meteor o shooting star ay Leonids dahil ang pangalan na ibinibigay sa mga meteor shower na ito ay base kasi sa kung saang constellations sila nagmumula.

“Depende kasi sa direction ng meteor ... Dapat, 'pag nag-back track ka, dapat ito ay pupunta sa Leo. Pag hindi, sporadics ang tawag sa kanila o ordinary meteor lang. Pag going back s'ya sa Taurus ... Taurid meteor s'ya."

— may kasamang ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
KAUGNAY NA ULAT:
Read More:
PAGASA
Nueva Ecija
Leonids meteor shower
astronomy
bolide
Philippine Astronomical Society
Prof. Edmund Rosales
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT