RECIPE: Sipo Egg | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Sipo Egg

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patok sa mga taga-Pampanga ang sipo egg, isang vegetable dish na may sari-saring gulay, itlog ng pugo, at creamy na sauce.

Bumisita sa Umagang Kay Ganda (UKG) nitong Martes ang guest kusinero na si Mario Timbang Jr. para ibahagi kung paano lutuin ang nasabing dish.

Narito ang mga sangkap:

• 20 itlog ng pugo
• 150 grams ng ham
• 1 kutsarang cooking oil
• 1/4 tasang butter o margarine
• 2 bawang
• 1 sibuyas (maliit)
• 1 carrot
• 3/4 tasang green peas
• 1 singkamas
• 3/4 tasang mais
• 250 ml ng all-purpose cream
• 1 tasang tubig
• Asin
• Paminta
• 400 grams ng hipon (optional)
• Chicken Cubes (optional)

Paraan ng pagluluto:

Balatan ang hipon, alisin ang ulo, at ilagay sa lalagyan.

ADVERTISEMENT

Pakuluan ang itlog ng pugo sa loob ng 4 hanggang 5 minuto. Palamigin sa tubig at balatan.

Ilagay ang carrots sa kumukulong tubig hanggang sa lumambot.

Hiwain ang ham, carrots, at singkamas.

Maglagay ng mantika at butter sa isang kawali, iprito ang hipon at itabi.

Igisa ang bawang at sibuyas at ilagay ang ham, carrots, at singkamas.

ADVERTISEMENT

Sunod na ilagay ang green peas, mais, at tubig. Hintaying maluto.
Ilagay ang itlog ng pugo at all purpose cream.

Magdagdag ng asin at paminta ayon sa panlasa.

Maaari nang ihain ang sipo egg.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.