Pagliit ng sperm, ikinokonekta sa polusyon: pag-aaral

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagliit ng sperm, ikinokonekta sa polusyon: pag-aaral

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha sa smog sa Beijing China, Disyembre 20, 2016. Reuters

May tsansang magkaroon ng mas maliit at abnormal na hugis ng sperm ang mga lalaking exposed sa polusyon sa hangin, base sa resulta ng isang pag-aaral na inilabas nitong Miyerkoles. Babala ng pag-aaral: maaari itong magresulta sa pagkabaog.

Sinuri ng pag-aaral ang datos na nakalap sa taong 2001-2014 mula sa mga lalaking Taiwanese na edad 15-49, at lumabas na may malaking kaugnayan ang pagkaunti ng normal na sperm at ang pagkaka-expose ng mga lalaki sa PM 2.5 pollution--terminong ginagamit sa polusyon sa hanging nagtataglay ng napakaliit na particles.

Inobserbahan ang epekto ng tatlong buwang exposure sa polusyon, gayundin ang mas matagal na exposure na dalawang taon.

Ayon sa mga mananaliksik, habang umiigting ang polusyon, naobserbahang nababawasan din ng 1.29% ang hugis at sukat ng normal na sperm.

ADVERTISEMENT

Sinukat ang tindi ng exposure sa polusyon ng mga lalaking sumailalim sa pag-aaral, gamit ang NASA satellite data.

Dagdag naman ng mga mananaliksik, nabawasan man ang hugis at sukat ng sperm, nadagdagan naman ang bilang nito sa mga lalaking na-expose sa air pollution.

Pero giit din ng grupong nasa likod ng pag-aaral, koneksiyon lamang ang nakikita nila at hndi tuwirang masasabing idinudulot talaga ng polusyon sa hangin ang pagbabagong-hugis at sukat ng sperm.

Ayon din sa ilang propesor na walang kaugnayan sa pag-aaral, hindi malinaw kung nagdudulot nga ng pagkabaog ang pagbabagong-hugis at sukat ng sperm at kung may ibang salik na nagdulot nitong pagbabago sa mga lalaking sumailalim sa pag-aaral.

--Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.