Pagkilala sa mga frontliners, tema ng Pasko sa San Fernando, Pampanga

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkilala sa mga frontliners, tema ng Pasko sa San Fernando, Pampanga

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 25, 2020 06:35 AM PHT

Clipboard

SAN FERNANDO, Pampanga - Matapos kumalat ang sakit na COVID-19 sa buong mundo noong Marso nitong taon, malubhang naapektuhan ang ekonomiya at mga negosyo ng ibang bansa at naging sanhi ng pagkasawi ng higit isang milyong tao sa mundo, kabilang ang libo-libong Pilipino.

Hanggang ngayon, wala pa ring tiyak na remedyo laban sa sakit pero may dahilan parin para ngumiti ngayong Pasko sa bansa.

Sa San Fernando City, Pampanga, may kakaibang liwanag at saya pagkagat ng dilim dahil sa makukulay na ilaw at parol sa lungsod na tinaguriang "Christmas Capital" ng bansa.

Pero kakaiba ang tema ngayon ng lungsod. Dahil sa pandemya, pagkilala sa mga frontliner ang ipinapahiwatig ng mga dekorasyon sa San Fernando.

ADVERTISEMENT

Kakaiba ang tema ng Pasko ngayon sa San Fernando City, Pampanga. Dahil sa pandemiya, pagkilala sa mga frontliner ang ipinapahiwatig ng mga dekorasyon sa tinaguriang "Christmas Capital" ng bansa. Gracie Rutao, ABS-CBN News

Diniin sa dekorasyon ang pasasalamat para sa mga frontliner sa gitna ng pandemiya na tumagal na halos isang taon.

Sa kahabaan ng Jose Abad Santos Ave., bida din ang mga tala at tila pakpak ng mga anghel sa gitna ng island. Masaya rin sa mata ang dala ng hilera ng dumaraming pwesto ng mga lantern makers. May snowman, Santa Claus, reindeers, stars, Eiffel tower at iba pa.

“Medyo nakaka-good vibes, kaya pumunta kami," ani Marichu Junio, residente ng San Fernando.

Instant tourist attraction din ang harapan ng Heroes Park. Napapatigil ang mga motorista at mga siklista dahil sa mga dekorasyon.

“Maganda kasi, pa-picture lang kami," ani Alan Bautista, biker mula Angeles City.

ADVERTISEMENT

Nagbobonding ang magkakaibigan at magpapamilya sa naturang park. Tampok dito ang ipinagmamalaking giant lantern ng San Fernando. Kumikindat-kindat at sumasayaw-sayaw ang iba't ibang hugis at kulay ng parol.

Hindi rin mawawala ang mga nagbebenta ng mga paboritong pagkaing pang-Pasko tulad ng puto bumbong at bibingka.

Ayon sa lokal ng San Fernando, layon ng mga Christmas decorations ngayong taon na mabigyang pagkilala at kapasalamatan ang mga frontliners na itinuturing na modernong bayani dahil sa sakripisyo at pagmamahal sa bayan sa kabila ng pandemiya.--Ulat ni Gracie Rutao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.