Mga buntis pinayuhan: Magpa-HIV test para virus di mapasa sa bata
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga buntis pinayuhan: Magpa-HIV test para virus di mapasa sa bata
ABS-CBN News
Published Dec 03, 2018 01:10 PM PHT

Mainam para sa mga buntis na magpasuri para sa sakit na human immunodefeciency virus (HIV) upang maiwasang maipasa ito sa kanilang mga ipinagbubuntis, sabi ng isang gynecologist.

Ayon kay Dr. Edna Corpuz, hindi awtomatikong naipapasa ng isang buntis na may HIV ang virus sa batang kaniyang dinadala pero mataas pa rin ang tsansang mangyari ito.

Kaya mainam, ani Corpuz, na magpa-test upang mabigyan ng antiretroviral therapy o iyong paggamot para makontrol ang paghawa ng HIV.

"Ngayon actually lahat ng buntis ay pinapa-HIV test na kasi the sooner na malaman, the sooner din na nabibigyan sila ng anti-viral therapy at 'pag nabigyan sila, less ang possibility ng transmission," sabi ni Corpuz sa programang "Salamat Dok."

"So 'pag nag-anti-viral therapy si mother, [ang tsansa na maipasa ay] less than 5 percent. In fact, 1.8 percent. Pero 'pag hindi, as high as 45 percent ang chance na mapasa sa baby," ani Corpuz.

"Kailangang kailan talagang malaman agad ang diagnosis ni mother."

Ang HIV ay isang kondisyon sa mga tao kung saan patuloy na humihina ang kanilang immune system, na nagiging dahilan para madali silang magkaroon ng ibang karaniwan at delikadong mga sakit.

Ayon kay Corpuz, kahit anong panahon sa pagbubuntis ay maaaring maipasa ng ina sa kaniyang anak ang virus.

"Kasi ang virus nasa body fluids so sa amniotic fluid, so maternal blood," aniya. "During delivery 'pag nalunok ni baby, and even sa breastfeeding."

Nagpaalala rin si Corpuz na maaaring magkaroon ng epekto sa bata ang pagbibigay ng antiretroviral therapy kaya dapat ay piliing maigi ang gamot na tatanggapin ng ina.

"Marami naman gamot so puwede kang mamili ng sigurado ka na walang side effect sa baby mo," aniya.

Hindi naman daw nakaaapekto sa development ng bata sakaling positibo sa HIV ang kaniyang ina.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Salamat Dok
kalusugan
HIV
human immunodefeciency virus
pregnancy
pagbubuntis
antiretroviral therapy
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT