Dingdong, Marian share tips on how to resolve relationship challenges

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dingdong, Marian share tips on how to resolve relationship challenges

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

Photo by Josiah Antonio, ABS-CBN News.
Photo by Josiah Antonio, ABS-CBN News.

MANILA — For real-life couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, conflicts in relationships are normal but the key is how they resolve them.

"Lahat naman ng mga couples ay nagkakaroon ng challenges sa kanilang relationship, ganoon din kami. Actually, sa amin, early on pa, pero dahil matibay 'yung respeto namin sa isa't isa, 'yung pagmamahal, at higit sa lahat we really recognize that God is at the center of our relationship. Kung ganoon talaga, siguradong may gagabay sa 'yo, ibabalik at ibabalik ka niya sa gitna," Dantes told reporters during the press conference for their upcoming film "Rewind" on Monday.

Dantes said he's lucky to have met Rivera in his late 20s.

"Sa aming relationship, malaking bagay na nagsimula kami in our late 20s, siya mid 20s, ako late 20s. Ibig sabihin kahit papaano nakapag-mature na kami sa aming mga choices ...and nung nagsama kami, kumbaga medyo hinog na 'yung mga gusto namin sa buhay," the actor explained.

ADVERTISEMENT

"Nung mga panahon na 'yung din, 'yung mga milestones na nagaganap namin sa buhay namin, maraming first time na nangyari sa buhay ko. Sa kanya rin, maraming first time na nangyari sa kanya at na-experience namin 'yun together," he added.

Dantes stressed that relationships should always be a give and take situation.

"I truly treasure all these memories kaya siguro nung nalipat na 'yung aming relationship sa isang totoong relationship na panghabangbuhay ay nadala rin namin itong mga learnings na ito, 'yung learnings na pagrespeto sa isa't isa, pagbibigay ng tunay na pagmamahal dahil na-apply din naman namin ito sa aming trabaho eh," Dantes said.

"Isang pinakamagandang nagagamit namin mula noon hanggang ngayon ay 'yung dynamics namin as partners. Hinahambing ko parati 'yan sa sayaw eh, para siyang isang dance number na may naggi-give at may nagte-take tas with the harmony smoothly na para bang natutunaw kayo together," he added.

"Pati 'yun na-experience namin even as co-workers. Nangyari sa 'min 'yun and I think organically na-apply namin 'yun sa aming personal relationship hanggang ngayon bilang mag-asawa. Para sa akin na-value ko 'yung mga pagkakataon na 'yun kung saan nakasama ko siya experiencing and witnessing these milestones na never kong inakalang mangyayari sa buhay ko."

ADVERTISEMENT

Rivera said that she makes sure that they don't sleep without resolving their issues.

"Hindi talaga natin maiiwasan, sa isang relasyon mayroong hindi pagkakaunawaan, pero siguro one thing is for sure sa amin ni Dong, kung may mangyayari mang ganyan sa amin, hindi kami natutulog na hindi naaayos ang lahat," Rivera said.

"Kailangan may heart-to-heart talk kami at after nun. Kailangan nasa sentro talaga Siya (God), kasi kahit ano'ng plano ang gawin mo, Siya pa rin ang masusunod, Siya pa rin ang master natin," she added.

Dantes added that we should treasure our moments with our loved ones.

"Isa sa mga pinakamalinaw na lessons na natutunan ko portraying the character of John, ay siyempre may mga bagay na... imposible mo nang ma-rewind kaya make the most of what you have right now. 'Yung relationships na mayroon ka, 'yung mga taong mahal mo siguraduhin mo, iparamdam mo na mahal mo sila," the actor said.

ADVERTISEMENT

"Kasi baka 'di na dumating 'yung araw na maibigay mo sa kanila 'yun so bago pa magsisi ang lahat now is the time for us to live more and love more," he added.

Rivera also encouraged people to speak up when they feel like there is something wrong.

"Sa mga asawa na busy, at mga asawa na nahihirapang magsalita sa asawa, walang time, kung paulit-ulit niyong ikikimkim ang lahat, iipon, sasabog kayo, kaya ang mangyayari, sa relationship, hindi maganda," she said.

"So, kung mayroong pagkakataon at tumetyempo, kung mayroon kang nararamdaman na hindi okay, walang masamang diretsuhin mo 'yung asawa mo, sabihin mo para maayos niyo agad."

Rivera also noted that you should support your partner regardless of what situation you are in.

ADVERTISEMENT

"Malaking factor din na kahit mataas man o mababa, tagumpay man o 'di tagumpay, nandiyan kayo para sa isa't isa. Kung ano'ng pagkukulang ng isa, pupunan mo. Hindi kasi kailangan parehas, kailangan nasa isa lang ang pedestal, kailangan dalawa kayong nagtutulungan para makamit niyo 'yung pangarap niyo," the actress said.

"Makakamit niyo 'yung pangarap na 'yun kung nandiyang nga 'yung love, respect, give and take. And ang mahalaga niyan parehas kayo ng faith na parehas lang 'yung patutunguhan niyo at alam naming dalawa na hindi kami magiging ganito katatag kung wala 'yung nasa taas. So, palagi kami roon. No matter what happens, anuman mangyari sa buhay namin, ibigay man lahat ng biyaya sa amin, lahat 'yan ibabalik namin sa itaas kasi lahat binigay Niya sa amin," she added.

"Dahil lahat tayo may pinagdadaanan, pelikula ito sa mga taong may pinagdadaanan. Itatanong mo talaga rito kung ano'ng mga pagkakamali mo at kung binigyan ka ng pagkakataon, maitutuwid mo ba ang iyong pagkakamali."

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.