Electronic floats nagpailaw sa Candon, Ilocos Sur

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Electronic floats nagpailaw sa Candon, Ilocos Sur

Micaella Ilao,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 09, 2018 07:12 PM PHT

Clipboard

Karosa ng bayan ng Santa Maria, Ilocos Sur.

CANDON CITY, ILOCOS SUR — Mga karosang tadtad ng mga pailaw at bulaklak ang nagningning sa mga kalsada ng Candon City noong gabi ng Sabado bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pasko sa lungsod.

Nasa 22 na bayan ng ikalawang distrito ng Ilocos Sur ang lumahok sa parada ng mga electronic float, na 14 taon nang idinadaos.

Dumalo sa electronic float parade sa Ilocos Sur sina JooE at Nancy ng Korean girl group na Momoland.

Nagsilbing special guests sa pagdiriwang sina JooE at Nancy ng South Korean girl group na Momoland, na nakilala sa bansa dahil sa kanilang kantang "Bboom Bboom."

Hango ang disenyo ng mga karosa sa temang bulaklak at kabilang sa mga ibinidang bulaklak ang kalachuchi, marigold at rosas.

ADVERTISEMENT

Karosa ng bayan ng Santa Lucia, Ilocos Sur.

Mayroon ding mga karosang may disenyo ng kastilyo at fountain.

Ayon kay Candon Mayor Ericson Singson, layon ng pagdiriwang na ipakilala ang ikalawang distrito ng Ilocos Sur bilang destinasyon para sa mga turista.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Gusto natin na maipakilala ang ganda ng siyudad," ani Singson.

Nakatakda namang magdaos ang Momoland ng libreng concert sa Vigan City sa Linggo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.