Di regular na pagligo paano nagiging sanhi ng balakubak? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Di regular na pagligo paano nagiging sanhi ng balakubak?
ABS-CBN News
Published Dec 17, 2019 02:46 PM PHT

Maaaring lumala ang pagkakaroon ng balakubak o dandruff ng isang tao kapag hindi ito regular na naliligo, ayon sa isang doktor.

Ang balakubak ay tumutukoy sa maliliit na puti o abuhing piraso ng patay na balat mula sa anit.

Ayon sa dermatologist na si Katty Go, normal na nagpapalit ang skin cells o balat ng tao at kapag hindi naliligo ay maaaring magsanhi ng balakubak ang mga naiiwang patay na balat sa anit.

"Ang balat naman kasi natin nagkakaroon ng normal turnover of skin cells so lalo pa 'yong anit natin, magkakadikit 'yong oil glands diyan," ani Go sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

"So kapag hindi ka naliligo on a regular basis, talagang dumadami 'yong lumalabas na kaliskis so you really need to wash it off," paliwanag niya.

Bukod sa hindi regular na pagligo, maaari rin daw magpalala ng balakubak ang genetics, na nangangahulugang namamana ito.

Kapag ang pasyente ay may genetic predisposition sa balakubak, may tsansang marami raw siyang malassezia furfur, ang fungus na sanhi ng balakubak.

"So kung ang mga magulang mo o mga kamag-anak mo, mayroon silang balakubak, more likely puwede mo siyang manahin din," ani Go.

Nagpapalala rin ng balakubak ang stress, ayon kay Go.
Nagpapalala rin ng balakubak ang stress, ayon kay Go.
ADVERTISEMENT
Kaugnay naman sa pagsha-shampoo, hindi umano mairerekomenda ang paggamit ng shampoo araw-araw.

Maaari raw kasing matuyo ang anit kapag araw-araw ginagamitan ng shampoo.

"Usually we would advocate every other day shampoo, hindi naman kailangan every other day," ani Go.

Kapag anti-dandruff shampoo umano ang gamit, mainam na iwan muna ito sa buhok at anit sa loob ng 5 minuto bago banlawan.

"You want the ingredient of the anti-dandruff shampoo to work on the scalp before you rinse it off," ani Go.