Paano maging masaya kahit single sa Pasko? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano maging masaya kahit single sa Pasko?
ABS-CBN News
Published Dec 17, 2019 02:06 PM PHT

Ang Pasko ang isa sa mga pinakamasayang holiday sa bansa. Pero para sa mga single, "sana all ay may love life" dahil malamig na naman daw ang kanilang kapaskuhan.

Ipinayo ng isang motivational speaker sa mga walang karelasyon ngayong Pasko na gamitin ang panahon para lalong kilalanin si Hesukristo, na sentro ng pagdiriwang, at ang sarili.

"Maganda to know the reason for the season. It's all about God, Jesus, so spend time getting to know your maker, and getting to know, 'Bakit ka ba nandito? Ano ba purpose ko dito sa mundo?'" sabi sa programang "Sakto" ng DZMM ni Marianne Mencias.

Makatutulong umano ang pagkilala sa sarili para maging handa ang isang taong single sa relasyon.
Makatutulong umano ang pagkilala sa sarili para maging handa ang isang taong single sa relasyon.
ADVERTISEMENT
"Kung hindi mo kilala ang sarili mo, puwedeng lalo kang mawala sa isang relasyon na hilaw na hilaw," ani Mencias, na isa ring author.

Hindi rin ipinapayo ni Mencias ang paghahanap ng karelasyon dahil lang Pasko dahil posibleng maging miserable lang ang tao pagkalipas ng holidays.

"Sa New Year miserable ka kasi kung maling tao, masaya ka ngayon pero long term-wise, miserable ka," ani Mencias.

Baka lalo lang umanong makasira sa Pasko ang pagpasok sa isang "toxic" na relasyon.

"Might as well be happily single," dagdag niya.