ALAMIN: Mga pagkaing dagdag-suwerte sa pagsalubong ng Pasko, Bagong Taon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga pagkaing dagdag-suwerte sa pagsalubong ng Pasko, Bagong Taon
ABS-CBN News
Published Dec 19, 2019 08:49 AM PHT

MAYNILA - Kasabay ng pamimili ng mga regalo, abala na rin ang mga mamimili sa paghahanda ng menu para sa Noche Buena at Media Noche.

Bago maghanda ng ipapakain, ibinahagi ng feng shui expert na si Master Hanz Cua kung ano ang mga pagkain na magdadala ng suwerte sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon.

• 12 fruits
- Nangangahulugang magiging "masagana ang pamilya" nang 12 buwan sa susunod na taon kapag naghanda ng 12 prutas sa Media Noche o Noche Buena, ayon kay Cua. Kadalasa'y sinasabing bilog-bilog dapat ang mga prutas na ihahanda pero nilinaw ng eksperto na hindi naman daw kinakailangang bilog ang lahat ng ihahandang prutas.

"Bilog signifies money," paliwanag niya.
"Bilog signifies money," paliwanag niya.
ADVERTISEMENT
- Ilan sa maaaring ihanda ay mansanas (kahulugan: harmony), guyabano at peras (kahulugan: magandang kalusugan), mangga (kahulugan: pera), at grapes (kahulugan: magarbo).

• Noodles
- Mainam din na maghanda ng putaheng may noodles, ayon kay Cua.

"Noodles ay for longevity sa life at sa samahan ng family members," paliwanag niya.

• Karne
- Dapat ding may handang karneng baboy. Ayon kay Cua, maganda rin sana kung maghahanda ng lechon sa Noche Buena o kaya Media Noche. Maganda ring maghanda ng manok, na itinuturing na "luxury item," ayon sa feng shui expert.

• Malagkit na panghimagas
- Ayon kay Cua, kapag mamimili ng ihahandang panghimagas, mainam kung malagkit ito gaya ng kakanin na biko "para sweet ang samahan ng family members."

Nilinaw naman ni Cua na "walang malas" na pagkain.

"Walang malas na pagkain. Pero may ilan na mas masuwerte," aniya.