ALAMIN: Mga pagkaing sobra sa cholesterol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga pagkaing sobra sa cholesterol
ABS-CBN News
Published Dec 25, 2019 03:25 PM PHT

Kung hahabol pa sa mga handaan, mainam nang iwasan ang sobrang cholesterol sa katawan para makaiwas sa iba't ibang mga sakit, ayon sa isang cardiologist.

Ayon kay Dr. Jeffrey De Jesus, maiiwasan lang ang cholesterol kung babawasan o aalisin sa diyeta ang mga pagkaing marami nito.

"If 'yung bad cholesterol ang mataas, kung mataas 'yun, puwede kang magkaroon ng heart attack," ani De Jesus sa programang "Good Vibes."

Ayon kay De Jesus, mataas ang cholesterol content ng mga matatamis na pagkain, mga pagkaing likas sa taba, at mga pagkaing mabibigat ang carbohydrate content gaya ng kanin.

May mga pagkain din daw na hindi inaasahan na mataas sa cholesterol. Hindi rin aniya totoo na ganap na heart-friendly ang pineapple juice dahil may label ito.

"Mga puto kutsinta, talagang 'yan ang nagpapataas ng cholesterol. Siyempre 'yung lechon, obvious, 'yung kanin, siyempre, so nagpapataas 'yun ng cholesterol," ani De Jesus.

Para mabawasan ang cholesterol sa katawan, mainam na mag-ehersisyo. Dapat ding kumain ng pagkaing may "good cholesterol" gaya ng isda.

Sakaling masobrahan sa cholesterol ang katawan, maaari itong magdulot ng mga komplikasyon kalaunan gaya ng sakit sa puso at stroke na nakukuha kapag nagbabara ang ugat sa sobrang daming taba sa katawan, ayon kay De Jesus.

Mas mataas ang tsansang magkaroon ng mga komplikasyon sa puso kapag may dati nang nagkakaroon ng mga ito sa pamilya, o kaya ay kapag may bisyo ang tao.

"Binibilang namin 'yung risk factor kung may diabetes, naninigarilyo, may lahi ng disease at stroke, mas mataas ang risk factor noon," ani De Jesus.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
DZMM
Good Vibes
cholesterol
pagkain
food
Christmas dish
holiday dishes
Jeffrey De Jesus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT