Mga taga-Baguio, kani-kaniyang paraan ng pagdiriwang ng Pasko sa kabila ng pandemya
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga taga-Baguio, kani-kaniyang paraan ng pagdiriwang ng Pasko sa kabila ng pandemya
ABS-CBN News
Published Dec 25, 2020 12:08 AM PHT

BAGUIO CITY - Gumawa ng kani-kaniyang paraan ang mga taga-Baguio City para ipagdiwang ang Pasko sa kabila ng pandemya.

Maagang inumpisahan ang Misa de Gallo kaninang alas-6 sa Baguio Cathedral.

Maaga ang misa dahil na rin sa pandemya.

Marami ang dumalo pero mayroon pa ring physical distancing sa loob ng simbahan.
Marami ang dumalo pero mayroon pa ring physical distancing sa loob ng simbahan.
ADVERTISEMENT
Sa night market naman, may ilan pa ring mga puwesto ang nagbukas.

Ayon sa kanila, kailangan kasi nilang bumawi dahil ilang buwan din silang walang kita.

Kaya dito na lang magno-Noche Buena ang ilan habang maaga namang uuwi ang iba para makahabol sa pagdiriwang ng kanilang pamilya.

Bukas naman ang mga Christmas village kanina hanggang alas-9 ng gabi para sa mga nais bumisita dito lalo na ngayong bisperas ng Pasko.

Mayroon ring mga nag-picnic sa Burnham Park para doon magdiwang.
Mayroon ring mga nag-picnic sa Burnham Park para doon magdiwang.
ADVERTISEMENT
Nagpaalala naman ang Baguio City Police Office na maaaring mag-picnic pero bawal matulog sa mga parke.

Sa kabila naman ng Christmas rush kaninang umaga, naging maayos pa rin ang daloy ng traffic.

Nasa 15 degrees Celsius ang temperatura ngayon sa Baguio City.

- ulat ni Micaella Ilao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT