Matinding sikat ng araw, nagdudulot ng mga sakit sa mata | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matinding sikat ng araw, nagdudulot ng mga sakit sa mata
Pia Regalado,
ABS-CBN News
Published Apr 30, 2016 03:26 AM PHT

Ngayong summer, higit na nakakaperwisyo ang matinding init dahil kapag nababad dito ang isang indibidwal ay maaaring masunog ang balat na maaaring humantong pa sa heat stroke. Ngunit alam mo ba na nagdudulot din ang matinding init ng iba't ibang sakit sa mata?

Sa programang "Magandang Gabi Dok" sa DZMM, ibinahagi ng ophthalmologist at cornea specialist na si Dr. Sharlene Noguera at retina specialist na si Dr. Patricia Grulla-Quilendrino mula sa Asian Eye Institute ang epekto ng UV rays ng araw sa ating mga mata.

Ayon kay Noguera, "delikado kasi ang UV ray pwede talagang maka-damage ng mata."

Paliwanag niya, may tatlong kategorya ang UV rays: Ang UV-A, UV-B, at UV-C.
Paliwanag niya, may tatlong kategorya ang UV rays: Ang UV-A, UV-B, at UV-C.
ADVERTISEMENT
Ang UV-C ang pinakamalala na klase ng UV radiation ngunit nasasala na ito ng ozone layer.

Ang UV-A at UV-B naman ang madalas na nakakalagpas sa ozone layer at nakakasira sa ating mata.

Ang epekto ng matagalang pagkababad sa UV-B ng mata ay ang pagkakaroon ng sakit sa labas nito tulad ng pugita o pterygium, at keratitis o ang pagkasunog ng cornea ng mata.

Samantala, ang UV-A naman ay ang radiation na nakakalusot sa loob ng mata na umaabot sa lente at retina.

Pterydium
Paliwanag ni Noguera sa pterydium, "ang sikat ng araw o UV rays, 'yun 'yung nagti-trigger o nagsisimula ng pagkaroon ng laman sa ating puti ng mata at habang tumatagal pumupunta siya sa itim."

Madalas ito sa mga nagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw tulad ng mga magsasaka, mangingisda, traffic enforcers, at iba pa.

Ani Quilendrino, madalas nagsisimula lang ito sa pamumula ng puting bahagi ng mata. Unti-unti itong tumutubo pero hindi ito nawawala.

Nakakaranas ng pangangati ang pasyenteng may pugita.

Kapag kumapal ito at nasa advanced stage na, maaaring magdulot ito ng astigmatism o pagkalabo ng mata dahil natatabunan na nito ang cornea. Maaaring takpan pa nito ang itim ng mata, dahilan kaya lumalabo ang paningin.

Ayon kay Noguera, pabalik-balik ang pugita kaya kahit maalis na ito ng unang beses sa pasyente ay maaaring magkaroon siya nito muli.

Katarata
Maaaring magdulot naman ang UV-B ng katarata sa mata, o ang pagiging cloudy ng lente sa gitna ng mata.

"Nakikita 'yan madalas, early ang development o mabilis ang pagkapapal ng katarata sa mga pasyenteng outdoors," banggit ni Quilendrino.

Paliwanag niya, "parang pagputi ng buhok 'yan, 'di mo maiiwasan 'yan" kaya madalas ito sa mga matatanda. Ngunit higit na napapabilis ng matinding sikat ng araw ang pag-develop nito.

Hindi tulad ng pugita na maaaring magamot gamit ang eye drops, wala namang eye drops para sa katarata.

"Kapag ang katarata dahan-dahang kumakapal, pwede siyang mag-cause ng panlalabo pero pwede pa idaan sa salamin sa una."

Paano maiiwasan
Paglilinaw nila, hindi nadadala sa paggamit ng madidilim na salamin o ordinaryong shades lang ang pag-iwas ng mata sa init ng araw.

Payo nila, gumamit ng shades na kontra UV rays at piliin ang shades na may proteksyon sa UV-A at UV-B radiation.

Pwede namang gumamit din ng polarized glasses.

Maaari ring gumamit ng sumbrero o payong at ugaliin ang paglayo sa tirik ng araw bagama't klinaro nila na hindi garantiya na kapag hindi natapatan ng sikat ng araw ay hindi na naaapektuhan ng UV rays.

Paalala nila, kapag nakaranas na ng iritasyon sa mata, magpasuri na agad sa doktor.