ALAMIN: Sakit na laganap sa komunidad
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Sakit na laganap sa komunidad
Adrian Serac
Published Jun 17, 2016 10:12 AM PHT

Ano nga ba ang sakit na laganap sa isang komunidad at paano ba ito maiiwasan?

Sa programang “Magandang Gabi Dok” ng DZMM, isinalaysay ng vice-president ng Philippine Medical Association (PMA) sa New England na si Dr. Margarita Castro-Zarraga ang mga sakit na kadalasang nararanasan sa mga komunidad.
Lumalabas sa kanyang pakikipanayam na trangkaso ang karaniwang sakit na nakukuha sa mga komunidad.
“Simpleng trangkaso. In English, upper respiratory tract infection (ubo, lagnat, sipon).”
Dagdag ni Zarraga, “meron ding dahil lalo na't mainit, nagkakaroon po ng dehydration dahil sa tinatawag natin na diarrhea.”
Pahayag ng doktor, kadalasang nakukuha ang viral infection dahil sa bacteria o kaya naman ay may kaugnayan sa pagpalit-palit ng panahon.
Minsan aniya, nagmumula ang impeksyon sa hawaan sa komunidad.
“So 'pag hindi po naghuhugas ng kamay ang taong may sakit, nakukuha po, lalo na po ‘yung matatanda at ang mga pinakabunso sa ating komunidad ang naaapektuhan.”
Binigyang-diin ni Zarraga na dapat tutukan ang influenza (flu) habang maaga upang hindi na ito humantong sa mas malalang sakit gaya ng pulmonya.
Iminungkahi naman ng doktor ang kahalagahan ng pagpapahinga. Ani Zarraga, “kung wala tayong mabuting kalusugan, papaano magkakaroon ng sustainable plan para sa ating pamilya?”
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng flu, payo ni Zarraga na magpaturok ng flu shot o influenza vaccine.
“Magpaturok ng flu shot o influenza vaccine para i-prevent na kung anumang sakit ang madatnan ng tao, ay mawala agad dahil mayroon na tayong panlaban o immunity panlaban sa impeksyon na iyon.”
Dahil na rin sa kakulangan ng gamot, hiling ni Zarraga na dapat maunang makakuha ng bakuna ay mga bata edad 6 na buwan hanggang 4 na taon.