Mga praktikal at kakaibang bouquet sa Dangwa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga praktikal at kakaibang bouquet sa Dangwa
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Naging tradisyon na ang pagbibigay ng mga bulaklak tuwing araw ng mga puso. At dahil karaniwan na ito sa espesyal na araw, nakaisip ng mga pakulo ang ilang tindero sa Dangwa Flower Market sa Maynila.

Taon-taon, iba-ibang flower arrangement ang binibenta ni Monique Castro o mas kilala bilang “Mama Babes”.

Isa siya sa mga nakaisip na gawan ng bouquet ang mga gulay tulad ng sili, talong, kamatis, sibuyas, ampalaya, at marami pang iba.

“Nagsimula ‘yan sa talong bouquet kasi meron akong konting kainan tapos bigla kong nakita ‘yung talong kasi iba-iba ‘yung laki. Sabi ko, ibenta mo na nga lang ‘yan,” kwento ni Mama Babes.

At para maging mas praktikal, hatid niya ngayong taon ang isang flower arrangment na may mga gamit sa kusina tulad ng kutsara, tinidor, sandok, baso, at chopping board.

“Kung anu-ano ‘yung iniisip ko para maging praktikal tayo na may bouquet ka na, meron ka pang mga item na papakinabangan,” sabi ni Mama Babes.

Maaari ring i-customize ang nasabing bouquet, depende sa gustong ipalagay ng mga customer.

Naglalaro sa P350 hanggang P800 ang benta niya sa mga ito.

Samantala, isang crochet boquet naman ang naisip ni Jordan Tolingan kung saan mismo ang kanyang mga kapatid ang naggagantsilyo sa mga bulaklak.

“Kelangan po ng yarn tapos mabusising parang pagtahi-tahi lang din,” ayon kay Tolingan.

Inaabot ng isang araw bago matapos ang isang crochet flower kaya naman nasa P600 hanggang P1,800 ang presyo ng bawat bouquet.

“Ang hirap siyang gawin, nakaka-excite din gumawa. How much more sa pagbibigyan nila?” sabi ni Tolingan.

Sa ngayon, mabenta pa rin ang fresh flowers sa Dangwa Market na nagtaas na ng mga presyo, ilang araw bago ang Valentine’s Day.

•Roses (10 pcs) - P600
•Roses (10 pcs) - P600
ADVERTISEMENT
•Carnation (10 pcs) - P350
•Carnation (10 pcs) - P350
•Sunflower (10 pcs) - P700
•Sunflower (10 pcs) - P700
•Gypso (1 bundle) - P150
•Gypso (1 bundle) - P150
•Chamomile (1 bundle) - P150
•Chamomile (1 bundle) - P150
•Eucalyptus (1 bundle) - P180
•Eucalyptus (1 bundle) - P180
ADVERTISEMENT
•Misty blue (1 bundle) - P150
•Misty blue (1 bundle) - P150
Payo ng mga tindero sa mga mamimili, bumili ng mas maaga para makamura at makaiwas sa dagsa ng tao.