Pusa na naka-school uniform kinaaliwan ng netizens

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pusa na naka-school uniform kinaaliwan ng netizens

ABS-CBN News

Clipboard

Kinaaliwan sa social media ang cute na cute na larawan ng Himalayan cat na si Leo habang suot ang isang "school outfit." Retrato mula kay Bayan Patroller na si Shey Ybanez 

MAYNILA — Flex ng isang animal lover at Bayan Patroller na si Shey Ybanez ang cute na cute na larawan ng kanyang Himalayan cat na si Leo habang suot ang isang "school outfit."

Kwento niya, sanay na magsuot ng damit ang alagang pusa na si Leo.

Sa loob ng halos tatlong taon niyang pag-aalaga kay Leo ay magiliw ito at komportable na magsuot ng damit.

Kaya naman sa tuwing may pagkakataon ay talagang kinukuhanan niya ito ng mga larawan para magsilbi na ring memories.

ADVERTISEMENT

Bukod kay Leo ay mayroon pang siyam na pusang alaga si Bayan Patroller Shey at karamihan sa mga ito ay na-rescue niya mula sa kalye.

At ngayong "Love Your Pet" Day, nais na ibahagi ni Bayan Patroller Shey sa kapwa niya mga netizen ang pagmamahal sa mga alagang pusa.

"Araw-araw ko pinaparamdam sa mga alaga ko na mahal na mahal ko sila, 'yung simpleng bagay na nandyan ka lagi para sa kanila. Hawakan mo lang sila at yakapin at makipaglaro sa kanila sa konting oras lang masaya na yan sila," saad ni Shey.

Apela ni Bayan Patroller Shey sa mga netizen ay maging mabuti sa mga hayop at huwag silang saktan.

—Bayan Mo, i-Patrol Mo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.