'Tao Po': Content creator na si Lester, iniwan ang pagiging architect

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po': Content creator na si Lester, iniwan ang pagiging architect

ABS-CBN News

 | 

Updated May 28, 2024 05:03 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Prank at kulitan ang hatid na good vibes ng mag-inang content creators na sina Leonida at Lester Aguinaldo o The Aguinaldos.

Pero bago maging full-time content creator, kinailangan ni Lester na gumawa ng isang mabigat na desisyon. Iniwan niya ang kanyang titulo bilang lisensyadong arkitekto..

“Nagtrabaho po ako para rin makapag-support-support kanila Mama, makapag-abot-abot na. Doon ko po na-realize na ah hindi pala ganun kabilis. Kasi kumbaga salary-wise hindi kaagad mataas, talagang gagapangin mo.”

Dahil sa stress sa trabaho, naisipan niyang humanap ng pang-aliw sa sarili. Sinimulan niyang gumawa ng online content noong 2019.

ADVERTISEMENT

Noong magpandemya, nawalan din ng trabaho si Lester.

“Lagapak po talaga ako kasi biglaan po tapos wala kang naipon. At the same time ang pangarap ko po siyempre mabigyan ng komportableng buhay ‘'yung magulang so talagang babang-baba po talaga 'yung pakiramdam ko. Wala po akong drive na mag-work so tumigil po ako. Tumambay ako ng more than 1 year. Once in a while, nagta-try rin ako mag-vlog."

Pero ang minsanang vlog, nasundan nang nasundan. Sinubukan din niyang isali ang mga magulang sa isa niyang content.

“Mas gusto po nilang mag-architect ako until dumating po 'yung moment na parang may ginawa kaming isang content, nag-viral po siya. Siyempre ‘yung mga tao, 'uy napanood ko kayo.' Dun po tinry ko pong ituloy-tuloy hanggang dumating po kami sa part na nagba-vlog na po kami nasa part na po sila.”

Mula sa kanilang viral video, hindi na napigilan pa ang kanilang pagiging content creators. Umaani na nga sila ngayon ng milyon-milyong views.

ADVERTISEMENT

Malaki ang pasasalamat ni Lester sa mga magulang sa pagtanggap sa kanyang bagong karera.

Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (April 21, 2024)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.