Mga dapat tignan sa isang e-wallet bago ito gamitin

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga dapat tignan sa isang e-wallet bago ito gamitin

GCash

Clipboard

Photo Source: GCash 


Naging malaking tulong sa marami ang paggamit ng mga e-wallet, na nasimulang matutunan ng maraming Pinoy noong panahon ng pandemya. Dahil dito, napadali ang pagpapadala ng pera, pagbabayad ng bills, at hindi na kailangang pumila ng mahabang oras sa ATM para mag-withdraw. Kahit nasa ibang bansa o nasa bakasyon, madali na magpadala ng pera sa mga mahal sa buhay o sa iba't-ibang mahahalagang transaksyon.

 

Pero sa kabila nito, may mga nagdadalawang-isip pa rin sa paggamit ng mga e-wallet. Maaaring natatakot na manakaw ang pera o 'di kaya'y magamit ang account sa mga scam. May ilan naman na hindi rin kasi sigurado kung safe nga ba ang mga transaksyon sa e-wallet.

 

Normal na mag-alala o mangamba sa mga bagay na ito, kaya mahalagang malaman ang mga hakbang na ginagawa ng mga e-wallet gaya ng GCash para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng e-wallet accounts.

 

Advanced security features

 

Patuloy na pinoprotektahan ang 94 million users ng e-wallet na GCash laban sa online scams sa pamamagitan ng mga security features at pakikipagtulungan sa gobyerno.

 

Isa rito ang DoubleSafe security feature. Sa pamamagitan ng two levels of authentication, naiiwasan ang mga hindi awtorisadong access o pag-take over ng account. 

 

Kada log-in sa bagong device, hindi lang one-time pin (OTP) ang hihingin ng GCash. Kailangan din ng Face ID para masiguro na ang tunay na may-ari ng account ang nagtatangkang mag-log-in mula sa bagong device.

 

Integridad at seguridad ng serbisyo


Atty. Maricor Alvarez-Adriano, GCash Chief Legal Officer, Atty Gilbert Escoto, GXI Chief Legal Officer, Gilda C. Maquilan, GCash VP for Corporate Communications and Public Affairs kasama sina PNP ACG Director PBGen. Francis Ronnie Cariaga at ang PNP-ACG at ang public affairs and legal teams.  Photo source: GCashAtty. Maricor Alvarez-Adriano, GCash Chief Legal Officer, Atty Gilbert Escoto, GXI Chief Legal Officer, Gilda C. Maquilan, GCash VP for Corporate Communications and Public Affairs kasama sina PNP ACG Director PBGen. Ronnie Francis Cariaga at ang PNP-ACG at ang public affairs and legal teams.  Photo source: GCash 

Upang hulihin ang cybercriminals at maiwasan ang mga scam, nakipag-partner ang GCash sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), National Bureau of Investigation (NBI), at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

 

Sa kooperasyon ng GCash, 23 cybercriminals ang naaresto ng PNP-ACG noong nakaraang taon. Sa ngayon, patuloy na nakikipagtulungan ang GCash sa PNP-ACG sa entrapment efforts laban sa cybercriminals.

 

Bukod dito, kabilang sa security efforts ng GCash, mahigpit itong sumusunod sa pamantayan ng Anti-Money Laundering Council laban sa money laundering o paglipat ng perang ninakaw o nakuha sa iligal na paraan, terrorism financing o pagpopondo sa mga terorista, at fraud o panloloko.  Ito'y para matulungan na maprotektahan ang mga gumagamit ng GCash at para tiyakin na hindi magagamit ang kanilang platform para sa mga iligal na transaksyon.

 

Mabilisang aksyon laban sa mga modus


Usec. Paul Joseph Mercado of DICT; Pebbles Sy, GCash Chief Technology and Operations Officer; Usec. Alexander Ramos, Executive Director of CICC at Asec. Renato Paraiso of sa DICT Cybersphere PH Forum. Photo source: GCashUsec. Paul Joseph Mercado of DICT; Pebbles Sy, GCash Chief Technology and Operations Officer; Usec. Alexander Ramos, Executive Director of CICC at Asec. Renato Paraiso of sa DICT Cybersphere PH Forum. Photo source: GCash  

Nagsagawa ng 'rapid incident response' mechanism ang GCash at CICC laban sa financial fraud. Kapag natukoy ng CICC ang isang partikular na modus, agad na aalertuhin nito ang GCash na may bagong uri ng scam. Dahil dito, mabilis na naaaksyunan ng GCash ang mga bagong modus.

 

Pigilan ang mga kwestyunable o unauthorized transactions


Ren-Ren Reyes, President and CEO of GCash Mobile wallet operator G-Xchange, Inc. at NBI Director Medardo de Lemos. Photo source: GCash 

 

Noong Enero 2024, pormal na nakipag-partner ang GCash sa NBI para labanan ang online scams  at mapigilan ang mga 'di awtorisadong transaksyon.

 

Sa kanilang 'data sharing agreement," puwedeng ibahagi ng GCash ang mga detalye tungkol sa mga kahina-hinalang account o transaksyon sa NBI. At sa pahintulot ng NBI, puwedeng pigilan ng GCash ang mga kwestyunable o 'di awtorisadong transaksyon.

 

Ayon kay Ren-Ren Reyes, President at CEO ng GCash mobile wallet operator G-Xchange, Inc., "'pag may report na dumating sa amin, it allows us to tap NBI… 'Pag meron naman nag complain sa kanila or may operation ang NBI, it allows them to come to us so we can help them in the investigation."

 

Ang pakikipagtulungan na ito ay nagbibigay ng proteksyon sa mga gumagamit ng GCash laban sa mga posibleng online scams at panloloko.

 

Dagdag ni Reyes, "tuloy-tuloy ang use of data analytics namin to find a pattern that scammers are using. Kung may bago silang modus or bagong way of taking out money from accounts, we will try to capture that and even prevent it."

 

Sa ganitong paraan, pinapahayag ng GCash ang kanilang dedikasyon sa pagiging mapagkakatiwalaang e-money issuer at remittance agent sa ilalim ng regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas. 

 

Kahalagahan ng safe na e-wallet

 

Sa panahon ngayon, ang paggamit ng e-wallet, tulad ng GCash, ay nagiging isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng maraming Pilipino. At ng pagsasanib-pwersa ng GCash sa mga ahensya ng gobyerno ay tanda ng dedikasyon na protektahan ang pera at mga transaksyon ng mga Pinoy.

 

Para ma-experience ang safe at mabilis na paraan ng pagbabayad at pagpapadala ng pera, i-download ang GCash app sa Apple App Store, Google Play Store, o Huawei App Gallery.

 

Para malaman ang iba pang benepisyo, features, offers, at kung paano mag-open ng GCash account, bisitahin ang kanilang Facebook page.



NOTE:  BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.