Artist lumikha ng self-portrait gamit ang string art | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Artist lumikha ng self-portrait gamit ang string art

Artist lumikha ng self-portrait gamit ang string art

Cielo Gonzales,

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

Humanga ang mga netizen sa likhang obra ng isang artist mula sa Puerto Princesa City, Palawan dahil nakabuo ito ng self-portrait gamit ang makukulay na sinulid na kung tawagin ay "string art."

Ito ang pangalawang beses na gumawa si Bayan Patroller Ian Joshua Balatinsayo ng string art ng kanyang mukha pero kung dati ay itim na sinulid lang ang gamit niya, ngayon ay makukulay na sinulid na ang kanyang ginamit.

Bagong string art ni Ian Joshua Balatinsayo

 

Si Balatinsayo at ang dating string art ng kaniyang sariliTaong 2020 nang magsimulang gumawa ng mga string art si Bayan Patroller Ian Joshua gamit ang plywood, pako, spray paint at sinulid.

Ani Bayan Patroller Ian Joshua hindi madali ang gumawa ng ganitong obra dahil bukod sa pagiging malikhain ay kailangan ng tiyaga at mausisang pag-iisip.

"Sa paggawa po ng string art madaming gagawing proseso. 'Uung una po ay pag-determine ng kung anong pinakamagandang size para ideal ung spaces ng pako para mas maging detailed," paliwanag ng patroller.

ADVERTISEMENT

 Iba pang likha ni Balatinsayo 




"Isa sa mahirap na process po ay 'yung pagpako. Minsan inaabot ako ng araw magpako dahil minsan masakit na sa daliri... Tapos dapat tama ang spaces ng mga pako para maging detailed, and then ung last process po ay ang paglalagay na ng colored na threads," kuwento pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.