‘Tao Po’: Insecurity nalabanan ni Yosh Dimen ng 'The Poor Traveler'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Tao Po’: Insecurity nalabanan ni Yosh Dimen ng 'The Poor Traveler'

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Halos 60 countries na ang napuntahan ni Yosh Dimen, ang full-time traveler at blogger sa likod ng “The Poor Traveler.”

Pero pag-amin ni Yosh, iba ang pananaw niya sa traveling noon. 

“Kasi ang travel for me, growing up, is something na pangmayaman lang talaga. Nakikita ko lang siya sa TV,” sabi niya. 

Kwento niya, may isang karanasan din noong bata pa siya ang hindi niya malilimutan. 

ADVERTISEMENT

“When I was 4 or 5 years old, nahulog ako sa, ang tawag namin doon, lugong or pit. Tapos doon sinusunog ‘yung mga basura. So ito, meron akong bonggang-bonggang, ‘yung buong kamay ko, braso ko, may sunog talaga siya. Third degree burn, and it's shorter than my hand—right arm. So ang thinking ko, ‘yung worldview ko nun is, ‘yung travel is unsafe,” sabi ni Yosh. 

Dahil dito, nagkaroon si Yosh ng insecurity sa kanyang katawan.

Napamahal na lamang siya sa traveling nang maranasan ito sa una niyang trabaho. “Part of the benefits is tini-treat nila ‘yung mga employees nila sa mga outing.”

Dito nagsimula ang pangarap ni Yosh na maging isang travel blogger. “Talagang alam ko na, oh my God, ito talaga ‘yung gusto kong gawin. So, pinlano ko ‘yung buhay ko around it.”

Natutunan din ni Yosh na mahalin ang sarili sa tulong ng traveling. “Eventually parang after traveling, na-realize ko na this is a big part of me and na hindi ko kailangan mahiya, or hindi ko siya dapat itago. So ngayon, wala na akong kung maghuhubad ako sa beach. Wala akong pake. Kung tumingin kayo, okay lang,” sabi niya. 

ADVERTISEMENT

Kasabay ng pagbabago ng pananaw ni Yosh sa traveling ang pagbabago rin ng pananaw sa kanyang sarili. Sabi niya, “Parang travel din help me na mas maging secure sa sarili ko na alisin ‘yung mga insecurities ko sa katawan.”

Ulat ni Izzy Lee para sa programang Tao Po. 

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po  dito.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.