'Sekyut-rity cat' sa Bacolod City, nagbigay-aliw sa mga estudyante, netizens

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Sekyut-rity cat' sa Bacolod City, nagbigay-aliw sa mga estudyante, netizens

ABS-CBN News Intern,

Jomari Gimongala

Clipboard

Si Shon, ang Si Shon, ang "sekyut-rity cat" ng Bacolod. Retrato ni Mark Kelvin Aliliran

Kinagiliwan ng mga netizens si Shon, isang security cat mula sa Negros Occidental High School na "on the duty" ang pagiging cute sa kanilang paaralan ngayong balik-eskwela na. 

Katulong ng mga sekyu sa nasabing paaralan, isa si Shon sa nagpapanatili ng seguridad sa paaralan at lehitimong na-train ng mga kasamahan nito. 

Nagmula ang pangalan ni Shon sa binaliktad na acronym ng Negros Occidental High School, o NOHS. 

Kuwento ni Moonyen "Yen" Uy, isa sa mga sekyu na nag-aalaga sa pusa, si Shon ay aksidenteng naligaw lang sa paaralan. 

ADVERTISEMENT

"Aksidente lang po siyang pumasok sa school namin, then kalauan dito na siya nag-stay palagi sa table. So ang ginagawa po namin dito, kasama ang ibang utility (personnel) namin saka security, inaalagaan na lang namin siya hanggang sa naging malapit nalang po siya sa mga guro at estudyante rito sa paaralan," aniya.

Naka-duty sa paaralan si Shon araw-araw mula 6:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, at masiglang sinasalubong ang mga guro at mag-aaral, maging ang mga bisitang pumupunta sa nasabing paaralan. 

Hitik si Shon sa pag-aalaga ng mga security guard at utility personnel, at may sariling kulungan at sapat na pagkain para sa kanya.

Mag-iisang taon na siya bilang isang "sekyut-rity cat" sa darating na Setyembre.

Nag-viral ang nasabing pusa nang ito ay gawing model ng street photographer na si Mark Kelvin Aliliran sa kanyang social media accounts. Bumisita siya sa paaralan para masilayan ang "little sekyu."

Umani naman ng samu't-saring positibong komento ang security cat sa fur community at pinusunan ng mga netizens ang nakakaantig nitong istorya.

Read More:

viral

|

pets

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.