Ilang artists inalay ang sining sa tagumpay ni Carlos Yulo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang artists inalay ang sining sa tagumpay ni Carlos Yulo

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

 | 

Updated Aug 07, 2024 09:50 AM PHT

Clipboard

Caloy YuloCarlos Yulo

MAYNILA — Alay ng ilang artists ang kanilang sining sa tagumpay ng gymnast na si Carlos Yulo ng dalawang ginto sa 2024 Paris Olympics.

Gamit ang tisyu at makukulay na marker ay gumuhit ng obra ang artist at Bayan Patroller na si Paul Tindugan mula sa Manila City para kay Yulo.

 Carlos YuloLarawan mula kay Bayan Patroller Paul Tindugan.

Sa pamamagitan nito, ipinakita ni Bayan Patroller Paul ang paghanga kay Yulo matapos masungkit ang dalawang ginto sa 2024 Paris Olympics para sa mga kategoryang men’s artistic gymnastics floor exercise at vault.

Kwento niya ay inabot siya ng halos tatlong oras sa pagguhit ng obra.

ADVERTISEMENT

Nagpapasalamat si Bayan Patroller Paul kay Yulo dahil sa inuwi nitong karangalan sa Pilipinas.

Carlos YuloLarawan mula kay Bayan Patroller Edgian James Florida.

Lumikha ng isang cutout artwork ang artist at Bayan Patroller na si Edgian James Florida para ipakita ang pagbati kay Yulo.

Gamit ang mga materyales na vellum paper, colored pencil, cutter at pentel pen nilikha niya ang obra para kay Yulo sa loob ng isang oras kahapon, Agosto 4.

Ayon kay Bayan Patroller Edgian James ay nagbigay ng inspirasyon si Yulo para mas pagbutihan niya ang pagkamit sa kanyang mga pangarap sa buhay.

"Ito po ay aking paraan ng pagpupugay kay Carlos. Sana po ito ay maging inspiration sa mga kabataan na may talento sa sports na magpursige kasi walang impossible sa taong may pangarap," saad ni Bayan Patroller Edgian James.

ADVERTISEMENT

Carlos YuloLarawan mula kay Bayan Patroller RJ Rey Burlat.

Ipinahayag ni Bayan Patroller RJ Rey Burlat ang kanyang pagbati sa pamamagitan ng paglikha ng isang obra na kung kanyang tawagin ay 3D Realistic Art.

Sa mga larawan at video ay makikita ang wangis ni Yulo na nilikha gamit ang mga materyales na watercolor, markers, colored pencils, white ink, toned papers, acrylic at airbrush.

Nilikha niya ito noong Agosto 4 sa loob ng halos anim na oras.

Aniya, espesyal sa kanyang ang obrang ito dahil selebrasyon ito ng 'Pinoy Pride' o pagpapakita ng suporta sa mga atletang Pinoy.

"Isang pagpupugay at bilang isang Pinoy. I am very proud po lalo na sa ganitong mga parangal sa ating bansa lalo na sa mga atleta ng Pinas.

ADVERTISEMENT

"Need natin bilang Pinoy na sumuporta sa kapwa natin win or lose," saad ni  Bayan Patroller RJ Rey.

Carlos YuloLarawan mula kay Bayan Patroller Christian Cabarrubias.

Isang inspirasyon para sa artist at Bayan Patroller na si Christian Cabarrubias mula sa Brgy. Sinawal General Santos City ang pagkakapanalo ni Yulo.

Kaya naman isang obra na kung tawagin ay graphite portrait ang alay niya para kay Yulo.

"Sana mas ma-inspire pa tayo na huwag nating pabayaan 'yung mga talent natin sa buhay, gaya ng mga atleta nating Pinoy na naging matagumpay sa kanilang mga kanya-kanyang larangan," ani Bayan Patroller Christian.

Gamit ang mga materyales na graphite pencils at vellum board ay iginuhit niya ang wangis ni Yulo sa loob ng halos apat na oras.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.