Bangkay ng lalaki, natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng lalaki, natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang nakitang palutang-lutang sa Ilog Pasig nitong Martes.

Ayon sa Pasig City police, iniulat ng security guard mula sa isang pribadong kompanya ang pagkakadiskubre sa bangkay sa ilalim ng C-5-Bagong Ilog Bridge maga-alas-7 ng umaga.

Nakasuot ng pulang t-shirt at brown na short ang lalaki na malapit na sa state of decomposition ang katawan, ayon sa pulisya.

Walang nakitang external injuries sa katawan ng lalaki ang mga imbestigador.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy din ang pagkakakilanlan ng lalaki.

Hindi pa makumpirma ng pulisya kung dayuhan ang lalaki, taliwas sa ibang ulat ng media.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.