Distance learning sa first quarter ng school year 'matagumpay': DepEd
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Distance learning sa first quarter ng school year 'matagumpay': DepEd
ABS-CBN News
Published Jan 04, 2021 06:35 PM PHT
|
Updated Jan 04, 2021 08:29 PM PHT

MAYNILA — Sa unang Lunes ng Enero, sumabak na ulit sa second quarter ng distance learning ang elementary at high school students.

Para kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, matagumpay at matiwasay naman ang first quarter ng school year.

"Tingin ko nairaos ang ating first quarter na wala namang maraming glitches so puwede rin sabihin natin na matagumpay na naisagawa ang distance learning delivery modality sa first quarter," ani San Antonio.

Pero para kay Noel Reyes, na 15 taon nang high school teacher, masalimuot ang nakalipas na quarter.
Pero para kay Noel Reyes, na 15 taon nang high school teacher, masalimuot ang nakalipas na quarter.
ADVERTISEMENT
"Sa pagsasara ng unang quarter ng panuruan ay ganoon pa rin, mas lumalala. Mas marami ang nagdo-dropout, mas marami ang walang kapasidad para tumugon sa pangangailangan ng blended learning partikular sa online class," ani Reyes.

Tambak din aniya sa requirements ang mga estudyante kaya si Reyes na umano ang gumagawa ng paraan para maibsan ang stress at pressure na nararamdaman ng mga estudyante.

"Wala nang deadline. Magpasa kayo kung kailan niyo gusto pero kailangan ninyong magpasa kasi requirements iyan," ani Reyes.

Nauna nang naglabas ng memorandum ang DepEd noong Oktubre para maibsan ang stress na nararamdaman ng mga estudyante at guro sa distance learning.

Kabilang sa mga patakarang nakapaloob sa nasabing memorandum ay ang pagbibigay sa mga paaralan ng kalayaang pumili ng ilang aktibidad sa mga module na maaaring gawing optional para sa estudyante.

"Gusto nating tuloy-tuloy din na maging hindi masyadong nao-overwhelm ang mga mag-aaral sa mga ginagawa," ani San Antonio.

"Pero pinapaalala rin natin sa lahat na hindi naman puwedeng gawing napakagaan na kasi wala namang isang bagay na ginagawang wala ka nang effort ay matututo ka," dagdag niya.

Magkakaiba naman ang pananaw ng mga magulang ukol sa distance learning.

"Madali siyang tutukan at lagi lang nakikinig. Tapos madali rin 'yong klase nila," anang magulang na si Gloria Cabangis.

"Sobrang hirap, lalo na 'yong modules, sobrang hirap gawin," sabi naman ng magulang na si Shiela Hipolito.
"Sobrang hirap, lalo na 'yong modules, sobrang hirap gawin," sabi naman ng magulang na si Shiela Hipolito.
ADVERTISEMENT
Sa harap ng kanselasyon ng dry run ng face-to-face classes dahil sa bagong COVID-19 variant, naghahanda pa rin ang ahensiya sakaling mabigyan ng go-signal na ituloy ang pilot test.

Ayon kay San Antonio, mahigpit ang protocols upang masigurong ligtas ang mga estudyante, guro, school personnel, at magulang.

Wala pang pinal na listahan ng mga paaralang sasabak sa dry run ng face-to-face classes, na ngayong Enero sana sisimulan kung hindi kinansela ng pangulo.

— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
edukasyon
distance learning
education new normal
blended learning
Department of Education
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT