Survey ukol sa karanasan sa distance learning isinasagawa ng DepEd
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Survey ukol sa karanasan sa distance learning isinasagawa ng DepEd
Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Jan 05, 2021 05:42 PM PHT

MAYNILA — Isang survey para sa mga magulang, estudyante at guro ang sinimulan ng Department of Education para malaman ang kanilang karanasan sa distance learning noong first quarter ng school year, kung saan ipinagbawal ang physical classes dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, maaari umanong ilagay doon ang ilang pagsubok at tulong na kailangan ng stakeholders kaugnay sa bagong porma ng pagtuturo at pag-aaral.

"Including lack of available gadgets or equipment, iyong sufficiency of load and data for online delivery, iyong unstable mobile internet, iyong availability of space for studying, kung may health issues ba," ani Malaluan sa panayam nitong Martes.

"Iyong kanilang capacity for independent learning, kung nagkakaroon ba ng conflict of studying and other activities in the house," dagdag niya.

Ayon kay Malaluan, bukod sa paghahanda para sa posibilidad ng face-to-face classes, nakatuon din ang kagawaran sa pagpapalakas ng distance learning.

Sa ilalim ng distance learning, nag-aaral ang mga estudyante mula sa kanilang mga bahay sa pamamagitan ng printed at digital modules, online classes, telebisyon at radyo.

Pero may mga nagsasabing nakararanas sila ng mga hamon sa distance learning. Kabilang dito ang mga problema sa internet connection at hirap ng ilang estudyante na mag-isang aralin ang modules.

RELATED VIDEOS:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
edukasyon
Department of Education
DepEd
DepEd survey
distance learning
School Year 2020-2021
education new normal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT